Chapter 2

109 51 8
                                    

Chapter 2

Bakit nakalock? At sino naman kaya ang naglock nito. Tsk. Ang malas naman oh! Malalate na ako. Ilang minuto nalang mag start na yung klase! Sino ba kasing nag lock dito.

Paulit-ulit kong inikot-ikot ang doorknob pero di talaga mabuksan. Wala na.. late na ako! First day palang bagsak na ako sa subject nato! Kakainis naman ba't ni lock pa.

Maya-maya ay nakarinig ako ng yapak sa likod kaya lumingon ako kung sino 'yun.....

Si Adrian. Galing ata siya sa Men's restroom. Tsk. Papalapit siya sakin at wala man lang ekspresyon ang mukha. Di ba niya alam na nakalock kami dito.

Tumingin siya sakin at pagkatapos ay tiningnan ang hinawakan kong doorknob. Ngumuso siya at naglakad pabalik. Nagulat ako. di ba niya ako tutulungan dito!?

"HOY!" Sigaw ko at pagkatapos lumingon siya sakin. Nagtaas pa siya ng kilay. "Di mo ba ako tutulungan!?"

"At bakit naman kita tutulungan?" Sarkastiko niyang sabi. Ayos din tung lalakeng to ah! Ang yabang!

"Hello!? Nakalock yung pinto at di tayo makakalabas!" Kakainis bulag ba siya!?

"So?"

"Malalate na tayo. Ay hindi! Late na Tayo sa next subject natin! Kaya pwede ba!? Tulungan moko dito nang sa ganun ay makalabas na tayo!!" Galit na sabi ko.

Lumakad siya papalapit sakin.

Habang palapit siya ng palapit, napaatras naman ako hanggang sa napasandal ako sa pinto.

Na estatuwa ako sa ginawa niyang pagkulong sakin sa dalawa niyang braso. halos magkadikit na ang mukha naming dalawa nang inilapit niya ang mukha niya sakin. ramdam ko na rin ang mabango niyang hininga. At ang lakas ng pagtibok ng puso ko.

"Ano ngayon kung nakakulong tayo dito? Diba dapat masaya ka dahil kasama mo ang gwapong katulad ko!?" Ngumisi siya at tinaas ang kilay.

Kumuha ako ng lakas sa sarili ko para itulak siya. At hindi naman ako bigo dahil natulak ko siya papalayo sakin.

"Gwapo!? Ikaw!? Haha nagpapatawa kaba!?" Kumunot yung noo niya sa sinabi ko. Nilapitan ko siya gaya ng ginawa niya sakin kaya nagulat siya.

"Kahit gwapo ka. Hinding-hindi ako magkakagusto sa katulad mong mayabang!" Sabi ko habang nakahangad sa kanya. Tumawa naman siya kaya kumunot ang noo ko.

" 'yun umamin ka rin na gwapo ako!" W-WHAT!? O_O!

Hinawakan naman niya ang braso ko at isinandal sa pader. Nabigla ako sa ginawa niya at hindi ako makagalaw. Inilapit niya ang mukha niya. Konti nalang ay magkadikit na ang mga labi namin nang biglang---

Bumukas ang main door ng restroom. Kaya agad ko siyang itinulak . Napalakas ata yung pagtulak ko sa kanya dahil sobrang layo niya sakin.

Tumayo kami ng maayos at tumingin dun sa nakabukas na pinto.

"Anong katarantaduhang ginawa niyo dito!?" Pagtatakang tanong ng matandang lalake at nakakunot pa ang noo. Janitor yata siya dito dahil may dala-dala siyang mop.

"M-mabuti naman manong at d-dumating ka. Kanina pa kasi nakalock ang pinto. T-tsaka late narin ako eh." Naguguluhan parin si manong.

Tumingin ako sa wristwatch ko. And speaking of. Twenty minutes na akong late! Pano nato? Makakapasok paba ako nito.

Sa halip na tumunganga lang dito, ay mabilis akong lumabas ng restroom at papunta na sa classroom. Di ko na hinintay si Adrian. Bahala siya sa buhay niya! Di nga niya ako tinulungang makalabas kanina.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon