Chapter 5

74 44 6
                                    

Chapter 5

Umuwi kaagad ako sa bahay at hinanda ang sarili ko dahil aattend ako ng Concert mamayang gabi.

Nagpaalam narin ako kay Lolo na late akong uuwi mamayang gabi kasi nga baka matagal pa matapos.

"Sinong maghahatid sayo mamayang gabi, Hija?" Tanong ni Lolo na nakatayo sa pintuan at pinanood akong nag-aayos sa harap ng salamin.

"Hmm.. magtataxi nalang siguro ako, Lolo." Sagot ko habang naglalagay ng Perfume sa leeg.

"Naku! 'wag kang magtaxi. Delikado ng sumakay pag gabi. Tawagan mo nalang ang driver natin pag uuwi kana mamaya." Tumango ako. bumaling ako sakanya at ngumiti. "Dalian mo diyan. At may naghihintay sayo sa labas."

Napahinto ako sa huling sinabi ni Lolo. Sino naman kaya ang naghihintay sakin sa labas.

Kinuha ko agad ang purse ko at nagmamadaling lumabas sa kwarto.

Pababa na ako nang makita ko si Jorren na nakatayo habang nakatingin sakin pababa ng hagdanan.

Ang gwapo niya sa suot niyang Black Long-sleeve at Black pants. Simple lang ang suot niya pero sobrang hot niyang tingnan lalo na pag makikita mo ang pormado niyang katawan sa loob ng damit niya. Nginitian ko siya nang makarating na ko sa harapan niya. Sinuklian rin niya ko ng matamis na ngiti.

Bumaling ang tingin ko kay Lolo na ngayon ay nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie. Nilapitan ko siya.

"Lolo, Aalis nako." Bumaling ang tingin ni Lolo sakin. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ahh sige. Mag-ingat kayo!" Lumingon siya kay Jorren. "Tsaka ikaw, Hijo. 'wag mong pababayaan ang apo ko!" Tumango naman si Jorren at nginitian.

Pagkatapos ay lumapit kaagad ako kay Jorren.

"Shall we?" Sabi niya at inilahad ang braso niya. Tumango naman ako at hinawakan ang braso niya.

Napaka gentleman niya. Pati sa pagsakay sa kotse ay pinagbuksan pa niya ako ng pintuan tsaka pumasok sa driver's seat.

Pagsara niya sa pintuan ay tumingin siya sakin. Halos di ako makagalaw say kinauupuan ko nang titigan niya 'ko ng matagal.

"You look so cute in your dress." Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya.

"T-thank you. Ikaw rin, ang gwapo mo." Sabi ko. Ngumisi siya at umiling.

Pinaandar niya agad ang kotse niya.

"Magkakilala na kayo ni Adrian?" Naisipan ko lang kasi kanina nung nag-uusal sila parang matagal na silang magkakilala.

"Actually, yes." Sagot niya habang nakatingin sa harap.

"Pano kayo nagkakilala?"

"Business partners yung mga parents namin." Bumaling sa saglit sakin. Tumango naman ako.

"Pero ba't kanina parang nag-aaway kayo?" Kumunot ang noo ko. Ngumisi siya.

"Hayaan mo siya. Ganun talaga siya pag--" di niya tinuloy ang sasabihin niya.

"Pag ano?" Ba't siya huminto sa sasabihin niya?

"Wala. Kalimutan mo nalang 'yun." Ngumuso nalang ako.

Nakarating kaagad kami ni Jorren sa isang Arena kung saan gaganapin ang concert. Nang makalabas ako sa kotse niya ay sinalubong agad ako nina Kleiyo.

"Kala ko di ka darating. Kanina kapa namin hinintay." Sabi niya habang hinawakan ang kamay ko.

Bigla namang sumulpot si Jorren sa likuran ko kaya tiningnan siya ni Kleiyo.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon