Chapter 45

21 5 1
                                    

Chapter 45

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng kompanya dahil gaya nga ng sinabi ko kagabi, ako na ang maging secretary ni Adrian.

"Good morning, Ma'am." Bati ng mga empleyado saakin nang makasalubong ko sila. Sinuklian ko naman sila ng ngiti

Marami naring mga outsiders na nakakaalam sa relasyon namin ni Adrian dahil hindi lang parents namin ang sikat sa social media pati narin kami. Kaya kahit saan kami magpunta, maraming nakakakilala saamin.

Papasok na ako ngayon kung saan ang office ni Adrian. Pagbukas ko, isang Adrian na abala sa mga gawain ang bumungad saakin. Sunod-sunod ang oagtunog ng mga telepo dahil sa mga tawag. Ginulo nalang niya ang kanyang buhok at pilit na pinakalma ang sarili.

"May I help you, Mr. Villanueva?" Kagat labi kong sabi. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumitig saakin.

"I-I'll call you later, Mr. Sai." Sabi niya sa kausap niya sa telepono at agad pinutol ang linya.

"Why are you late, Ms. Rodriguez?" Pilit niyang seneryoso ang mukha niya. Natawa naman ako.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at dahilan ng pagkapula ng magkabila niyang pisngi.

"I'm so sorry, Mr. Villanueva. Sobrang traffic eh." Napakagat siya ng labi.

"Well, it's okay. Your punishment is already worth it for me." Tinutukoy niya halik ko na isang parusa.

"So, pwede na ba akong magsimula?" Taas kilay kong sabi.

"Of course! Pinahanda ko na ang office mo." Napatango ako sa sinabi niya.

"Okay. Pupunta muna ako du'n. Call me if you need me." Tumango rin siya sa sinabi ko.

Akmang lalabas na sana ako ng pinto pero may binilin pa siya saakin.

"Wifey, 'wag kang masyadong mag papakapagod. Magpahinga karin." Nginitian ko siya.

"Yeah, I will. Ikaw rin 'wag masyadong stress baka mabawasan ang kagwapuhan sa mukha mo." Ngumisi siya at tumango.

Pagkatapos nu'n, lumabas na ako sa office niya at nagtungo sa nakahandang office ko na naging office rin ni Loraine bago siya mag resign.

Pagpasok ko sa loob, bumungad saakin ang malaking litrato na nakadikit sa pader.Litrato naming dalawa ni Adrian. Nasa likuran ko siya habang nakayakap sa bewang ko. At pareho kaming nakangiti.

Sa litrato palang, nagaganahan na akong magtrabaho. Kung araw-araw ba namang makikita mo ang isang litratong napakasayang tingnan. Mawawala talaga ang pagod sa katawan mo.

Nagsimula na akong magtrabaho bilang isang secretary ni Adrian. Hindi rin naman ako nanibago sa mga pinapagawa o inuutos niya saakin dahil naging secretary na niya ako dati nu'ng nagkasakit si Loraine.

Normal parin naman ang lahat. Tsaka, nagawa naming balansehin ang trabaho at ang relasyon namin. Kung oras ng trabaho, dapat trabaho lang talaga dahil may oras din naman kami sa paglalambing.

Araw-araw, sabay kaming nag-lulunch. Normal narin sa mga empleyado dito na palagi kaming magkasama dahil alam nila na girlfriend ako ni Adrian.

Narinig kong may kumatok sa labas ng pintuan kaya alam ko na kung sino yun. Hindi si Adrian kundi si delivery boy.

"Come in!" Sabi ko at agad siyang pumasok dala-dala ang mga pagkain.

"Food delivery!" Sabi niya at nilagay sa dining area.

Alam kong binayaran na siya ni Adrian dahil sa ganitong oras, siya ang nagpapadala saakin lahat ng 'to. Araw-araw niyang ginagawa ito at araw-araw ko ring binibigyan ng tip ang delivery boy kasi naawa ako sa kanya dahil sobrang hirap ng ginagawa niya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon