Chapter 41

20 5 10
                                    

Chapter 41

WARNING SPG!!!

ADRIAN'S POV

Napakasakit isipin na aalis na naman siya ulit. Iniwan na niya ako ng anim na taon at ilang buwan ko lang siyang nakasama mawawala na naman siya saakin. Hindi ko alam kung bakit napakahigpit ng tadhana saaming dalawa.

Ilang bundok paba ang aakyatin. Gaano kahaba ang tulay na aking tatawirin. At ilang metros ba ang layo mo saakin para ika'y maging akin!

Parang siyang isang bituin sa mga ulap na napakahirap abutin.

Gusto ko siyang pigilan, gusto kong magmakaawa sa kanya na sana dito nalang siya pero hindi ko magawa dahil paulit-ulit na niya akong tinutulak papalayo.

"Alam niyo po ba na ngayon ang flight ni Treah papuntang France, sir?" Huminga ako ng malalim sa tanong ni Loraine.

"Yeah. She'll leave me again." Walang ekpresyon kong sabi.

"Hindi niyo po ba siya pipigilan?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Kahit pipigilan ko siya. Hindi parin naman niya ako papakinggan." Sumandal ako sa swivel chair at ipinikit ang mata.

Ito na siguro ang sign na binigay saakin para kalimutan ko na siya.

"Bakit hindi niyo subukan? Baka makikinig na siya sa'yo ngayon." Malabong mangyari 'yan. "Diba kung mahal mo talaga siya, handa ka mag sakripisyo para sa kanya?"

"Loraine, hindi ganu'n kadali ang sinasabi mo." Narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Sinasabi niyo bang susuko na kayo? Ngayon pa po ba kayo susuko kung saan malapit na kayo sa finish line?" Napadilat ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.

"Sir, alam mong gusto kita. At gusto ka rin ni Treah. Kung may pipiliin kaman saaming dalawa alam kong si Treah ang pipiliin mo. Kaya nagpaubaya ako kasi alam kong sa huli, kayo parin naman ang magkatuluyan. Kaya ayos lang ba sa'yo na papakawalan mo nalang ang taong mahal mo dahil papakawalan karin niya kahit alam niyong mahal niyo pa ang isa't-isa?" Naestatuwa ako sa sinabi ni Loraine.

Tama siya. Totoo lahat ng sinabi ni Loraine. Ramdam ko naman na may gusto parin saakin si Treah. Ngayon ko paba siya bibitawan kung kailan nalaman kong mahal parin namin ang isa't-isa.

Nagulat si Loraine nang bigla akong tumayo sa kinauupuan ko.

"You're right, Loraine. Kailangan ko siyang puntahan." Tumango siya at ngumiti.

"That's a good idea, sir! Puntahan niyo na po siya baka mahuli pa kayo." Tumango ako. Nagulat naman siya nang niyakap ko siya bigla.

"Thank you, Loraine." Kumalas ako sa pagyakap at agad lumabas ng office.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator at dahil sa sobrang kaba ko, paulit-ulit ko na pinindot ang button ng first floor. Paglabas ko ng kompanya, nakaparada agad ang kotse ko sa harap at ibinigay ng driver ang susi. Pumasok ako kaagad sa kotse. Dali-dali kong pinaandar at agad pinaharurot.

Sana nga hindi pa huli ang lahat. Sana hindi pa siya umalis. Kinakabahan ako pero iniisip ko nalang na maging positibo. Hindi ko kayang mawala ulit saakin si Treah. Hindi ko hahayaan na papakawalan ko na naman siya.

Dumeretso ako sa hotel kung saan siya nag check-in. Pumasok kaagad ako kaagad at tinanong ang babae kung anong room number niya.

Pero bigla akong natamaan ng kilat galing sa ulap nang marinig ko ang sinabi ng babae na kakaalis lang niya. Halos nawalan ako ng gana at hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon