Chapter 7

63 40 15
                                    

Chapter 7

"Saan ka galing?" Kunot noong sabi ni Kleiyo nang makarating ako sa classroom namin.

"Wala. Pumunta lang akong restroom." Sambit ko kahit di naman talaga sa restroom ang galing ko.

"Oh, eto." May binigay siya sakin na di gaano kalaking printed na papel. "Next Friday yung Camping. Tsaka, bukas pa i-aannounce kung sino ang kasama sa bawat grupo."

"Ang aga naman yata." Ngumuso ako.

"Oo. Ganun talaga dito. Maganda nga yun eh, kasi mas mag-eenjoy tayo kesa naman puro acads nalang inaatupag natin." tumango ako ng paulit-ulit.

Sabagay tama naman siya. Mas maeenjoy ng mga kabataan kapag ganun kesa academics nalang lahat. Ang boring naman siguro pag ganun.

Tiningnan kong maigi ang papel. May nakalagay na limang location dun'. Eto yata ang pagpipilian kung saan i-aasign ang bawat grupo. May Batangas, Tagaytay, Cebu, Palawan at Davao. Isa lang sa lima ang mapupuntahan namin.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Teka, ba't kaya di siya pumasok? Tsaka wala din yung bag niya sa tabi ng upuan ko. Andito kasi ako sa tabi ni Kleiyo dahil wala rin naman si Adam.

Siguro di pumasok si Adrian dahil sa nangyari kanina. Baka napalakas ata 'yung sampal ko sa kanya. Pero nagulat lang naman kasi ako nang bigla niya akong hinalikan.

"Sino bang hinahanap mo?" Tanong ni Kleiyo kaya lumingon ako sa kanya.

"W-wala." Nginitian ko siya samantalang may pagdududa parin sa mukha niya.

"Eh, ba't kanina pa umikot-ikot ang paningin mo sa paligid?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.

"Wala nga! Nangangalawit lang yung leeg ko." Sana malusutan Kita.

"Nangalawit? Ang tindi Naman yata nun' kasi buong paligid ang nilingon mo!" Ngumisi ako sa sinabi niya. "Eh, ano bang ibig sabihin sa nakita ko kanina habang papasok ka sa Cafeteria na kasama si---" tinakpan ko ang ibig niya baka may makarinig pa. Buti nalang abala ang iba.

"Wag ka ngang maingay! Baka mamaya marinig ka ng mga kaklase natin!" Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya at nagsalita.

"Sabihin mo nalang kasi. Ano ba kasi 'yun!" Bulong niyang sabi.

Kinuwento ko ang lahat na nangyari kung bakit magkasama kami kanina. Dahil nga sa naghamon akong talunin siya pero ako ang natalo. Nagulat naman siya. Dahil alam naman naming playboy si Adrian. At nag-aalala lang si Kleiyo baka paglalaruan lang ako. Well, Alam kong playboy siya pero hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya no. Pinagbigyan ko lang naman siya dahil natalo niya 'ko.

"Siguraduhin mo lang, Treah. Kasi walang Pag-ibig na salita sa dictionary niyan." Payo niya sakin.

ADRIAN'S POV

"Kasi gusto ko si Jorren, Adrian! Kaya pwede ba, kahit ngayon lang pagbigyan mo ako."

'yan ang masakit na salitang tumatak sa isipan ko ngayon. Shit! Ba't ang hirap mong kunin Treah! ang akala ko'y papatulan mo'ko pero iba ka sa mga babaeng nakilala ko.

Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ngayon lang ako nasaktan at sinungitan ng ganito. Pakiramdam ko, iba siya sa mga babaeng pinaglalaruan ko.

Iwan ko bakit iba ang nararamdaman ko 'pag nakikita ko siya. Biglang lumalakas ang tibok ng puso ko pag kaharap ko siya.

"Ba't namumula 'yang pisngi mo?" Tanong ni Kyle sabay hawak sa pisngi ko. Inalis ko kaagad ang kamay niya. Bakla ba siya! Kung makahawak.

"Wala kana dun'!" Sagot ko at tinaliman siya ng tingin. Wala ako sa mood para makipag biruan sa kanila.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon