Chapter 10

62 38 6
                                    

Chapter 10

Naging busy kaming lahat sa school dahil papalapit ang 'yung camping kaya marami kaming sinubmit na mga requirements para hindi na kami mahirapan after ng Camping. Napansin ko rin na dalawang araw ng hindi pumapasok si Adrian. Nagtataka ako kung bakit. Isang beses, sinubukan kong nagtanong kina Adam at Kyle kung bakit absent siya palagi pero di rin nila alam ang dahilan. Siguro naging busy siya dahil sa business ng daddy niya. Tinulungan niya ata dahil siya na ang magmamana sa susunod. Kaya siguro hindi siya pumasok.

"Treah." Napakurap ako nang tinawag ni Kleiyo ang pangalan ko.

Kasalukuyan kasi kaming kumakain dito sa Cafeteria dahil nga lunch na.
Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala sila nakatingin sakin.

"A-ano?"

"Kanina kapa nila tinatanong sa number mo." Ngumisi silang lahat.

Napatingin naman ako sa lalakeng lumapit sa table namin na nakayuko dahil nahihiya ata habang inilahad yung cellphone niya.

Kinuha ko kaagad 'yung cellphone niya at tinipa ang number ko. Nagulat naman siya at di makapaniwala. At pagkatapos ay binigay sa kanya yung cellphone niya at nginitian. Namula naman 'yung pisngi niya tsaka siya umalis.

"Grabe ha. Ang haba ng hair mo te!" Tukso ni Ghlyzel sakin. Napatawa naman kami.

"Tumigil nga kayo. Nanghihingi lang naman ng number 'yung tao, eh." Aniko at umiling.

"Teka, ano na pala yung balita niyo sainyong dalawa ni Adrian?" Bulong ni Kleiyo sakin.

"Ba't mo naman natanong?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala lang. Curious lang ako kasi palagi kayo magkasama." Ngumiti siya.

"Di ko nga alam kung bakit tatlong araw na siyang pumasok." Ngumuso ako.

"Hmm... Bakit? Namiss mo ba?" Sinapak ko siya.

"Sira ka talaga eh, no!" Tumawa naman siya. Di ko yun namiss!

"Eh, ba't mo siya hinahanap ha? May pa fake girlfriend pa kayong nalalamang dalawa. Baka sa susunod tutuhanin niyo na!" Aniya sabay ngisi.

"Hindi ah. Tsaka magkasama lang kami dahil sa report no." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Sus! Diyan naman nagsisimula ang lahat, Treah!" Kumain siya ng chips.

"Para sabihin ko sayo, Kleiyo. Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Okay?"

"Syempre, Hindi pa. Nagsisimula pa lang kayo, eh. Pano 'pag siya 'yung mahulog sa'yo?" Ngumuso siya. Napailing nalang ako.

"Impossible 'yang mangyayari, Kleiyo. Tsaka, siya narin 'yung nagsabing hindi siya naniniwala sa pag-ibig. At alam mo 'yan!" Napatango naman siya.

Pagkatapos ng klase namin sa hapon, ay nagpunta muna ako sa office dahil inutusan ako ng adviser namin na ibigay 'yung mga papeles na pinirmahan niya.

Pagpasok ko sa office, may isang babaeng may dalang parang libro kalaki na papel na pinapalibutan ng ibang mga Teachers. Para siyang nag-didiscuss sa kanila.

"Yes?" Napahinto silang lahat sa ginawa nang makita ako sa harapan nila. "May I help you?" Lumapit 'yung babae sakin.

"A-ahh.. inutusan po ako na dalhin 'to dito." Inangat ko dala kong mga papeles. At napatingin naman siya.

"Oh! That's for Ma'am Villanueva. Will you please give it to her? I'm still busy checking thier works." Ngumiti siya at tsaka tinuro ang isang room. And speaking of ma'am Villanueva, hindi kaya siya 'yung ina ni Adrian. Bumalik ang tingin ko sa babaeng nagsasalita  kanina. Tumango ako at pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko. nagsimula akong maglakad papunta sa itinuro niya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon