Epilogue

55 4 0
                                    

Epilogue

ADRIAN'S POV

Simulan natin ang lahat sa una. Kung paano kami nagkakilala ni Treah. Kung maiisip ko yun ulit, nakakatawa ang lahat ng mga nangyayari.

"Hindi mo ba ako tutulungan?!"

"Bakit naman kita tutulungan?"

"Hindi mo ba nakitang nakalock 'yung pinto!"

'Yung araw na masungit pa siya saakin. At palagi ko siyang inaasar. Natutuwa lang talaga ako na asarin siya dahil masarap tingnan kapag naiinis 'yung mukha niya.

Iwas...

Dikit...

Iwas...

Dikit...

Du'n ako nagsimulang nagpapansin sa kanya nu'ng malate kami sa klase at naparusahan tuloy kaya pareho kaming naka squat. Sinisisi pa niya ako nu'n na ako ang dahilan kung bakit siya na late.

Ako rin ang bumato sa kanya ng papel na may nakasulat na french word na 'I like you'. Medyo naging boring lang ako nu'n sa klase kaya naisipan kong magsulat ng kung ano-ano.

Nakita ko siya nu'n sa concert ni Jorren. Nasa gilid ako habang pinagmamasdan siyang masaya sa harapan ng ibang lalake. May tumusok nalang na tinik sa puso ko nu'n na may gusto pala siya kay Jorren kahit hindi niya aminin pero kitang-kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa ginagawa ni Jorren sa kanya.

Kaya simula nu'n, iniiwasan ko na siya kagaya ng pag-iwas ko sa ibang mga babae matapos silang paglaruan. Pero Damn shit! Hindi siya mawala sa isip ko.

Pagpasok ko sa classroom, nahuli ko pa siyang nag-iilusyon naman tungkol sa nangyare sa concert kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na padabog na hinampas ang bag ko sa desk. Wala ako nu'n sa mood kaya naisip kong lumabas muna dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Nagulat nalang ako na sinundan niya ako sa covered court. At ang nakakatawa pa ay hinamon pa niya ako ng one on one kami sa baketball.

Sa totoo lang, hindi ko dapat talaga siya papatulan nu'n pero nang malaman kong may kondisyon, mas lumakas ang loob ko na talunin siya dahil gusto ko siyang maging girlfriend kahit fake man lang.

At du'n na nagsimula ang lahat. Dahil du'n mas napalapit pa siya saakin. Pilit ko siyang iniiwasan pero nakakainis dahil kung kailan umiiwas ako sa kanya, doon naman siya lapit ng lapit.

First time kong magtapat ng nararamdaman ko. At sa kanya pa talaga. Ang babaeng nagawa akong sungitan. Ang babaeng walang pakealam saakin kahit gaano pa ako kaperpekto sa mata ng iba. Pero sa kabilang iyon, nagawa niya parin akong mahalin.

"Can you be my girlfriend? Ayos lang kung hindi mo ako sasagutin. Liligawan parin naman kita hanggang sa sagutin mo na ako."

Akala ko hindi niya ako sasagutin sa panliligaw ko sa kanya pero mali ang iniisip ko. Isang napakalaking yes ang lumabas sa bibig niya.

I expect too much na yun na ang happy ending. Pero du'n ako namulat na hindi kadali ang sinasabi nilang pag-ibig. Ang dami pa palang mga pagsubok na kailangan lampasan at harapin ninyong dalawa. Pero ang daya ng tadhana dahil ako lang mag-isa ang lumaban. Wala siya sa tabi ko nu'ng mga panahon na kailangan ko siya. Walang Treah na nagpakita saakin. At umabot ako ng anim na taon ng paghihintay sa kanya. Yun ang pagsubok na naranasan ko.

Hanggang sa dumating ang panahon na muli ko siyang nakita pero may kasamang iba. Hindi ko alam kung magagalit o matutuwa ako dahil bumalik na siya pero mas umaapaw ang galit ko sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi wala siyang reaksyon nang makita ako. Balewala nalang ako sa kanya. Para na akong hangin sa harapan niya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon