Chapter 21

40 24 5
                                    

Chapter 21

THIRD PERSON'S POV

Limang buwan na ang nakaraan simula no'ng sinagot ni Treah si Adrian bilang isa niyang boyfriend. Naging masaya sila sa isa't-isa at gano'n parin ang ginagawa nila. Kahit na bantay sarado silang dalawa sa ama ni Treah, ay masaya parin naman sila kahit gano'n ang sitwasyon dahil nagagawa parin naman kung anong gusto nilang dalawa.

Madalas silang dumadalaw sa bahay ampunan para tumulong at magbigay saya narin sa mga kabataan dahil pareho nilang hilig ito.

Hindi rin naman tutol ang Pamilya ni Adrian kung anong meron sa kanila ni Treah dahil mas lalo silang natuwa dahil hindi nila pinapabayaan ang kanilang pag-aaral.

Masasabing isa na sila sa tinatawag na 'Perfect couple' pero ang hindi nila alam, ay nagsisimula pa pala ang kabanata ng storya ng dalawa. Hindi nila alam kung anong pagsubok na kanilang madadaanan na kailangang harapin para malampasan.

'Yun ay kung hindi sila susuko at bibitaw sa isa't-isa.

TREAH'S POV

Kasalukuyan kaming nasa locker room para kunin ang Jersey dahil game namin mamaya sa basketball. Kulay pula 'yung pang itaas namay halong puti at ang shorts naman ay pula lahat. Pagkatapos kasing maglaro ng mga boys ay kami naman. 'Yung ibang babae, napipilitang maglaro ng basketball dahil para lang sa grades kasi kung hindi sila maglalaro wala rin silang makukuha pero depende parin yun kung nag effort ka talagang maglaro, mas malaking grades ang makukuha mo. Pero kapag pa kahoy-kahoy kalang, expected na below 'yung grades na makukuha mo.

Mabuti nalang talaga at marunong akong maglaro. Magagamit ko ang kakayahan ko para sa laro mamaya.

"Sa dinami-daming laro, basketball pa talaga 'yung sa'tin." Reklamo ng mga kaklase kong babae sa kabilang gilid.

"Oo nga! Kinakabahan nanga ako eh." Sabi naman ng isa niyang kasama.

"Sana talaga, hindi tayo ang pipiliin para maglaro mamaya." Napangiti nalang ako habang pinapakinggan sila.

Tama nga ang hinala ko na kinakabahan sila dahil hindi naman sila sanay sa ganitong laro. Pero dapat 'wag nilang pairalin ang takot nila dahil mas nakadadagdag lang yun sa mga negatibong pananaw. Kasi kapag naunahan sila ng takot, mas malaki ang chance na hindi nila magawa ang isang bagay tsaka, sayang din kapag hindi nila maenjoy.

"Hay naku, ibang klase talaga ang mga maaarteng bruha." Bulong ni Kleiyo sa sarili pero narinig ko parin.

"Ano ka ba. Hayaan mo nalang." Saway ko sabay tawa.

"Well, good luck nalang sa'tin mamaya. Mas maiinlove si Adrian pag nakita kang maglaro." Ngisi niyang sabi. And speaking of Adrian, bigla akong nalungkot dahil kanina pa siyang umaga hindi nagparamdam. Absent din kasi siya at hindi siya sumali sa game kanina.

"Absent siya kaya hindi 'yan mangyayari." Napahinto siya sa pagsintas ng sapatos niya.

"Wait. Pati ikaw?" Napakunot ako ng noo. "Ako rin eh. Hindi nagparamdam sa'kin si Adam ngayong araw." Umiwas kami ng tingin sa isa't-isa. At napaisip nalang kung bakit pareho silang absent dalawa. Ang weird ng araw ngayon ah. Nakapagtataka kasi ngayon lang siya hindi sumali sa laro ng basketball.

Binilisan na namin ang kilos dahil fifteen minutes nalang magsisimula na ang laro namin. Pagkatapos namin ni Kleiyo, dumiretso kaagad kami sa court at ganun narin ang iba. Kanina pa ako tumitingin sa paligid kung andito ba si Adrian pero mali ako dahil wala nga siya. Parang wala na akong gana maglaro kasi wala naman siya.

"Magsisimula na. Hayaan mo nalang. Magfocus ka muna sa laro." Sabi ni Kleiyo at tinapik ako sa balikat.

First-five kami ni Kleiyo kaya lumapit kaagad kami kay sir nang tinawag na kami dahil kami ang unang maglalaro. Lumingon-lingon pa ako saglit sa paligid. Ang daming taong nakatingin samin pero niisa do'n ay wala si Adrian. Napalingon naman ako nang kanina pa pala ako hinihintay nilang lahat. Bahala nanga. Nag-alala lang kasi ako kung bakit wala siya tsaka may nangyari ba sa kanya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon