Chapter 22

40 23 12
                                    

Chapter 22

AUDREY'S POV

Kasalukuyan akong nasa pool ng bahay namin habang hinihintay ang mga bisitang dadating ngayong gabi. Nagpaparty kasi si kuya dahil panalo ang section nila sa basketball kaya lahat ng kaklase niya, ay invited. Handa na ang lahat na nandito. Bisita nalang talaga ang kulang.

Hindi parin maialis sa isipan ko kanina ang sinabi ni kuya na hindi siya papayag na makipagdate ako kay Kyle. Ang unfair lang kasi, siya pinayagan nila mommy at daddy habang ako, kahit anong paliwanag hindi ako papayagan. I know they're just protecting me to the wrong person but I swear, Kyle is not. And I don't need their concern. I can handle myself kasi kung masasaktan man ako, sarili ko naman ang makaramdam nu'n hindi sila.

"Hey, you okay?" Lumapit si kuya sa'kin.

"Yeah." Tipid kong sagot at nginitian siya.

"Bakit kanina kapa nakatulala diyan?" Taas kilay niyang tanong. Napabuntong hininga naman ako.

"May iniisip lang ako." Umiwas siya sinabi ko.

"Is it about Kyle?" Tiningnan ko siya.

"Maybe." Umiwas agad ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Audrey, you don't understand what my point." Aniya.

"I understand, kuya." Walang ekspresyon kong sabi.

"Audrey. Fifteen years old ka palang. Wala kapang alam sa pag-ibig. At kaya kita hindi pinapayagan dahil--"

"Dahil ayaw mo akong masaktan." Putol kong sabi sa kanya.

Tumahimik siya at huminga nalang ng malalim.

"Audrey, nagtatampo kana naman. Maybe I'll talk to you if you're not mad at me." Akmang aalis na sana siya nang bigla ko siyang nilapitan at niyakap.

"I'm sorry, kuya." Lungkot kong sabi. "Ang gusto ko lang naman ay may magmamahal sa'kin katulad ng pagmamahal mo kay ate Treah. Kasi naman simula nu'ng may girlfriend kana, wala kanang oras para sa'kin." Humarap siya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Audrey. Pinagseselosan mo ba si Treah?" Ngumisi siya. "Remember this, kahit may girlfriend na ang kuya mo, walang makakapantay sa pagmamahal na ibinigay ko sa'yo kaya don't be insecure." Ngumiti nalang ako. At niyakap siya ulit.

"Kuya." Bulong ko.

"Hmm.."

"Payagan mo na kasi ako." Bigla siyang kumalas sa pagyakap at dinikitan ako ng kilay.

"No." Seryoso niyang sabi.

"Kuya naman! Please." Nag puppy-eyes pa ako sa kanya para payagan niya ako.

"No."

"Please."

"I said, No."

"Sige. Ganito nalang. MU nalang muna." Nginitian ko siya.

"No." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige na. Tandaan mo, ginawan kita ng banner para kay ate Treah." Taas kilay kong sabi. Buti nalang at may Alas pa talaga ako. Alam kong ma konsensya siya.

"Fine." Bigla namang napalawak ang ngiti ko.

"Really? Wala ng bawian ha!"

"Siguraduhin mo lang na MU lang baka bukas nanligaw na 'yang gagong lalakeng 'yan." Hindi ko maintindihan si kuya kung bakit tinatawag niyang gago ang mga kaibigan niya.

"Promise." Nginitian ko siya.

Sakto namang dumating ang mga bisita ni kuya kaya iniwan niya muna ako at inasikaso ang mga bisita niya. I'm so lucky to have a brother like kuya Adrian. He's very protective when it comes to me. And no matter what happens, he's my one and only kuya that I love and I'm still his baby girl even though he has ate Treah na.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon