Chapter 39

20 6 5
                                    

Chapter 39

Papasok na sana ako sa loob ng office ni Adrian pero napahinto ako nang makasalubong ko si Jorren sa hallway.

"Good morning, Jorren." Bati ko sa kanya.

"Good morning din, Treah." Sinuklian niya ako ng ngiti.

Bumaling ang tingin ko sa hawak niyang isang plastic na may lamang iba't-ibang gamot.

"I'm sorry Treah, pero nagmamadali ako ngayon dahil may lagnat si Adrian. Kailangan kong ibigay ang gamot niya." Nagulat ako sa sinabi niya.

"M-may lagnat si Adrian?" Kunot noo kong tanong. Tumango naman siya.

"Oo, sobrang taas ng lagnat niya. Naulanan daw kasi siya kagabi." Napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko.

Ako 'yung kasama ni Adrian kagabi. Sobrang lakas ng ulan at nabasa siya. Patay, kasalanan ko 'to eh. Naulanan siya nang dahil saakin.

Akmang aalis na sana si Jorren kaso hinawakan ko ang braso niya kaya napatigil siya.

"A-asan ba siya ngayon?" Pag-alala kong tanong.

"Nasa condo niya nagpapahinga." Sagot niya.

"P-pwede bang ako nalang ang magbigay ng gamot niya?" Bulontaryo kong sabi.

"Sigurado kaba?" Tumango ako.

"Sa totoo kasi, ako 'yung may kasalanan kung bakit siya nagkasakit ngayon. Naulanan siya kagabi nang dahil saakin." Napayuko ako.

"Magkasama kayo kagabi?" Unti-unting ngumiti ang mga labi niya.

"A-ahh... Hinatid niya lang ako kasi gabi na ako nakauwi." Tumango naman siya.

"Ganu'n ba? Edi puntahan mo na siya." Huminga ako ng malalim at Tinanguan siya. Agad naman niya binigay ang gamot saakin.

"Salamat, Jorren." Nginitian niya lang ako.

Umalis na ako kaagad at nagmamadaling lumabas ng kompanya. Paglabas ko, nagtungo kaagad ako sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Mabuti nalang at dala ko na ang sasakyan ko ngayon para mas madali akong makarating kung saan ako pupunta. Dali-dali ko itong pinaandar at agad pinaharurot.

Hindi ko talaga maiwasang mag-alala kay Adrian dahil ako 'yung may kasalanan kung bakit siya nagkalagnat ngayon. Saakin niya kasi pinasuot ang coat kahit mas basa siya kesa saakin.

Paulit-ulit na bumubulong sa isipan ko kung ayos lang ba siya? Kasi ang sabi ni Jorren wala raw nag-aalaga sa kanya ngayon. Hindi ko nga alam kung kumain na ba siya.

Medyo matagal-tagal akong makarating sa Condominium dahil sobrang traffic ng highway dito sa Pinas. Kalahating minuto rin akong napahinto bago umusad ang sasakyan. Buti nalang at tuloy-tuloy na ang pagtakbo ng sasakyan.

Pagdating ko sa condo, medyo natagalan ako dahil tinanong ko pa kung anong room siya. At may pagka strict din kasi ang condominium na'to kaya tinawagan pa nila si Adrian dahil isa lang naman akong guest at hindi tenant.

Hindi rin naman nagtagal sumagot si Adrian. At pwede na akong pumasok. Nasa third to the last pala ang floor ng condo niya. Pagsakay ko ng elevator, may iba rin akong mga tenants na nakasabay.

Maya-maya nakarating din ako sa labas ng pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Paulit-ulit kong pinindot pero hindi niya binuksan. Bumaling ang tingin ko sa pintuan na nakabukas pala iyon.

Pumasok nalang ako kaagad sa loob at bumungad saakin ang napakakalat niyang condo. Hindi ako makapaniwala na tumira siya dito. Parang isang taon ng hindi niya nililinisan ang condo niya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon