Chapter 31

25 12 6
                                    

Chapter 31

Naglakad ako patungo sa office ko para tapusin ang report na pinapagawa saakin ni Jorren. Pagdating ko sa loob, sumandal kaagad ako sa swivel chair at huminga ng malalim. Hayy! Nakakasakit na ng ulo.

Buti nalang at may stress reliever ako. Ang litrato naming dalawa ni Treah nu'ng kami pa. Nilagay ko 'to sa table ang picture frame para kahit wala siya, ramdam ko paring nasa tabi ko siya kapag tinitingnan ko siya sa picture habang nakangiti. Pero iba parin 'yung personal ko siyang nakikita.

Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok at pumasok naman siya kaagad. Ang secretary ko. Maganda siya, Maputi, tama lang ang katawan niya, at maitim ang buhok. Three years ko na siyang nakasama at nagsilbi saakin. Aaminin ko na minsan nakikita ko si Treah sa kanya pero never ko pa siyang pinatulan. I don't think so, na gusto niya ako pero minsan nahuhuli ko siyang pinagsamantalahan niya ako sa isipan niya.

"Coffe, Sir." Ngumiti siya at inilagay ang kape sa mesa.

"Thanks." Sagot ko.

Isa din 'yan sa napapansin ko sa kanya. Araw-araw niya akong binibigyan ng kape kahit hindi ko naman siya inutusan. But maybe, she's just a caring type of woman. At ginagawa niya lang ito saakin para sa trabaho niya. Iba lang talaga ako mag-isip.

"Bye the way, Sir. I'm here to inform you that you have a lunch meeting with Mr. Sai tomorrow at twelve o'clock. And also, your father told me to have a family dinner at your Casa including the Ramirez Family tonight at six on the evening." Aniya habang tinitingnan ang pad.

"Okay, thanks for the info." Sagot ko. Tumango naman siya.

Lumabas siya kaagad at isinara ang pinto. Bumukas na naman ulit ang pinto. At ang akala ko bumalik ang secretary ko pero si Tita Treassea pala. Madalas naman siyang dumadalaw dito at nagkukuwento saakin tungkol sa buhay niya at tungkol kay Treah. Malapit talaga kaming dalawa maliban kay Tito Rolando.

"Hey, tita." Ngumiti ako sa kanya. Nilapitan ko siya at nagmano sa kanya.

"How are you, hijo?" Tanong niya.

"As usual, Tita. Kayo? Kumusta kayo ni tito?" Bumalik ako sa swivel chair. Umupo naman siya sa sofa.

"Well, ganun parin naman. Medyo naging busy lang din sa Farm kaya ngayon lang kami nagkatime para magbakasyon muna dito." Napatango ako sa sinabi niya.

"You want a coffe, Tita? Magpapadala ako sa secretary ko." sabi ko. Umiling naman siya.

"No, thanks. And besides, dumaan lang ako dito para kumustahin ka." Ngumiti siya. "It's been six years, Adrian. Simula nu'ng umalis ang anak ko. Hindi ka ba nahihirapan?" Pag-alala niya.

"Why would I, tita? Hinding-hindi po ako mapapagod na hanapin ang anak niyo." Napabuntong hininga siya.

"I was just worried na mananatili kang ganyan. Alam kong nahihirapan ka. Why don't you try to move-on?" Umiling ako.

"Bigyan muna natin ng konting panahon para mahanap ko siya. But if not, kakalimutan ko na siya." Ngumiti siya.

"Thank you, Adrian. I admire you dahil ikaw lang ang lalaking nagtitiyaga sa anak ko kahit... Hindi natin alam kung nasaan siya." Umiwas ako ng tingin dahil nahiya ako sa sinabi niya.

Napakurap si tita nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan kung sino ang tumawag. Habang may kausap siya sa cellphone, nagpaalam na siya saakin kailangan na niyang umalis. Tumango naman ako at lumabas siya kaagad.

Sumandal ako at ipinikit ang mata saglit. Sampung minuto ang nakalipas, tiningnan ko ang wristwatch ko kung ano ng oras. Kailangan ko na palang pumunta sa Mansion ni Daddy dahil may family dinner kami kasama ang Ramirez family. I'm sure it's all about business na naman kaya may nagaganap na ocassion sa mansion.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon