Chapter 14

51 33 6
                                    

Chapter 14

TREAH'S POV

Pumunta kaming Airport ni lolo para salubungin sila mama at papa galing Davao. Uuwi daw kasi sila ngayon dahil nabalitaan nilang may fireworks display mamayang gabi. Hindi kasi ito pangkaraniwang event lang. Special ito dahil may iba ring mga bigatin na dadalo.

Naisip ko rin kung pupunta ba sila Kleiyo tsaka mga pinsan niya. Panigurado namang pupunta sila dahil once in a blue moon lang 'tong mangyayari sa buong taon.

"Oh, andiyan na pala sila." Sabi ni Lolo habang dumungaw sa malayo. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya. At andun nga sila mama at papa papalapit na samin.

Kumaway ako sa kanila para makita kami. Ngumisi naman sila at pagkatapos ay dali-daling lumapit samin.

"Namiss ko na ang Anak ko!" Sabi ni mama sabay yakap sakin. Lumapit naman si papa at hinalikan ako sa pisngi at pagkatapos ay ibinigay ang bagahe sa driver namin.

"Ako rin mama!." Sagot ko at pagkatapos ay kumalas sa pagyakap sa kanya.

"Ano bang oras magsisimula ang fireworks display?" Tanong ni papa.

"Mamayang alas otso ng gabi, pa." Ngiti kong sabi. Tumingin siya sa wristwatch niya.

"May limang oras pa naman. Makapagpahinga pa kami ng mama mo."

"Mabuti pa, umuwi na tayo para makapagpahinga na kayo." Tumango kaming lahat sa sinabi ni Lolo.

Mabilis rin naman kami kaagad nakauwi sa bahay. Hindi na kami nag-uusap pa nila mama at papa kasi kailangan nilang magpahinga para sasamahan ako mamaya manood ng fireworks. Sabi rin nila na mamaya nalang sila babawi sakin. Naintindihan ko rin naman 'yun kasi alam kong pagod talaga sila.

Habang nagpapahinga sila, ako nalang muna ang naghahanda ng mga pagkain na dadalhin mamaya. Tinulungan narin ako ni yaya kasi mas marami siyang alam sa paggawa ng mga pagkain.

Wala narin akong oras tawagan sila Kleiyo. Baka rin kasi busy iyon sa paghahanda mamayang gabi. Marami-rami narin ang nagawa naming mga recipes kasama si yaya at kita ko ring pagod na siya kaya sinabihan ko siyang magpahinga muna at ako nalang muna ang bahala dito.

"Sure kabang kaya mo iyan, Treah?" Pag-alalang sabi ni yaya.

"Wag kang mag-alala, Yaya. Kaya ko'to." Sagot ko habang tinitingnan ang mga ingredients.

"Sigurado ka ha? Sige. Kapag kailangan mo ako, puntahan mo lang ako sa kwarto." Hindi na ako nagsalita at seryosong tiningnan ang procedure ng lulutuin ko.

Sa totoo lang, Hindi talaga ako marunong magluto at ngayon pa lang ako magluluto. Nakasanayan ko kasing si yaya ang naghahanda ng pagkain pero gusto kong subukan ngayon kasi gusto kong matikman nila mama at papa ang luto ko. Hayy, sana hindi ito palpak ang gagawin ko.

Tiningnan kong mabuti ang procedure. Paano kaya 'to lulutuin. Ang hirap namang intindihin. Mas maganda siguro kung sa Google ko titingnan.

Umakyat kaagad ako sa kwarto para kunin ang iPad at tiningnan sa Google kung paano lutuin ang... Chicken Adobo.

Yun lang kasi ang madaling lutuin.

Pinuwesto ko ang iPad para makita kung paano lutuin ang Adobo. Nilagay ko narin sa mesa ang mga ingredients para mas madali na.

Sobrang hirap pala pag niluluto 'to. Lalo na pag tumatalsik 'yung mantika sa kamay ko. Sobrang sakit talaga. Napakuha tuloy ako ng takip ng kaldero para maprotektahan 'yung sarili ko. Bakit pa kasi nag lakas ng loob akong nagsabing ako ang magluto. Ayun tuloy, hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon