Chapter 8

61 39 9
                                    

Chapter 8

Kasalukuyan kaming andito sa isang lugar kung saan makikita ang lahat ng tanawin sa ibaba. Sobrang gandang tingnan ang mga klase-klaseng ilaw na makikita mo sa ibaba. Ngayon ko lang 'to nakita nang dinala ako ni Adrian dito.

"Madalas kabang tumatambay dito?" Sabi ko. Pareho kaming nakaupo ngayon habang kumakain ng pagkain.

"Ngayon lang ulit ako nakabalik dito." Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Bakit ngayon lang?"

"Simula nung nalaman ko ang totoo." Seryoso niyang sabi.

"A-anong totoo?" Dikit kilay kong tanong. Matagal-tagal din niyang sinagot.

"Simula 'nung nalaman kong magkapatid kami ni Jorren." Napahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi niya.

Kaya ba sobrang init ng dugo nila kapag nagkikita sila.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Best friend ko si Jorren nung una. Madalas kaming pumupunta dito. Kahit saan ako magpunta kasama ko siya. Kahit anong katarantaduhang ginagawa ko, siya yung tumutulong sakin para makalusot ako kay Mommy. Pero.... isang-araw nalaman kong may anak pala si Daddy sa labas. At si Jorren 'yun. Matagal nilihim nila Mommy samin ang katotohanan dahil ayaw nila kaming masaktan. At ang masaklap... Alam na pala ni Jorren ang katotohanan pero di niya sinabi sakin." Nagulat ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang galit niya sa kanyang mga mata. At ang pagkuyom ng kanyang mga kamao.

Kaya pala galit na galit siya pag nakikita niya si Jorren.

Tumayo siya at lumakad papunta sa loob ng kotse niya. Sumunod naman ako kaagad at pumasok sa gilid ng driver's seat.

Pinaandar niya ang kotse at may kinuha sa likod na dalawang can drinks. Iniabot niya sakin ang isa at tinanggap ko naman.

Nakatitig lang ako sa kanya habang ininom niya ang laman ng lata at pagkatapos ay ginulo ang kanyang buhok. Napalunok nalang ako. Pagkatapos, ay tumingin siya sakin. Umiwas naman ako kasi ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. At kaba ng puso ko.

Nilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko at ibinaling ang mukha ko sa kanya.
Pagtingin ko sa kanya, ay nagkagat labi siya habang tinitingnan ang labi ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin hanggang sa magkadikit na ang aming mga noo. Sumunod sa ilong hanggang sa magkadikit narin ang aming mga labi. Napalunok ako nang hinalikan na niya ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Iginalaw niya ang mga labi niya at sinabayan ko naman iyon. Kinagat pa niya ang labi ko at paulit-ulit na iginalaw ang labi niya. Naestatuwa ako sa ginawa niya. Di ko alam kung anong gagawin ko dahil nanghihina na naman ako.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang halik niya papunta sa leeg ko. Napaungol ako sa sobrang lalim niyang mga halik.

"A-adrian.." kinakabahan ako. Ayaw kong matulad ako sa mga babaeng nilalaruan niya.

Pinilit ko siyang tinulak pero patuloy niya parin akong hinahalikan.

"A-adrian, p-please s-top!" Napahinto siya at dahan-dahang kumalas sakin. Iniwasan ko siya.

"Sorry." Bulong niya at bumalik sa pag-upo. Napapikit ako. Muntik na.

Hinawakan niya ang manibela at agad pinaharurot ang sasakyan. Habang nasa gitna kami ng byahe ay niisa walang umiimik maliban sa music. Panay parin ang tingin ko sa gilid ng bintana. Habang siya naman ay deritso lang ang tingin sa harapan.

Mabilis kaming nakarating ni Adrian sa Le Marcian City kung saan ang bahay namin. Pagkarating namin sa tapat, nilingon ko siya.

"Salamat." Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at pagkatapos sinarado nang makalabas na ako.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon