Chapter 40

26 5 20
                                    

Chapter 40

Ilang linggo narin ang nakalipas simula nu'ng nagkasakit si Adrian. Pagkatapos nu'n hindi narin ako ang naging secretary niya dahil bumalik kaagad si Loraine.

Abala narin ako sa pagtapos ng mga papers para maibigay na kay Adrian at para makabalik narin ako ng France.

"Konti nalang, matatapos narin kita." Sabi ko sa sarili ko habang nagtitipa sa laptop ko.

Kailangan ko kasing tapusin 'to ngayon dahil bukas ko ito ipapasa pagkatapos ng wedding ceremony nila Kleiyo at Adam.

Napahinto ako sa pagtitipa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman kaagad para sagutin kung sino ang tumawag. Si Lukariah.

"Hello?" Aniko.

"Hey, Treah. How are you?" Tanong niya sa kabilang linya.

"I'm still fine, Lukariah. Malapit ko naring matapos ang pinagawa mo saakin." Sagot ko.

"Good to hear that." Ngiti niya sabi.

"Teka, bakit ka nga pala napatawag?" Kunot noo kong tanong.

"Actually, I just calling you kase hindi na ako makapaghintay na bumalik ka dito sa France." Ngumuso ako.

"Yeah. Nagpabook narin ako ng ticket kanina lang. Siguro mga next day na ang balik ko diyan kasi invited ako sa kasal ng kaibigan ko tomorrow." Sabi ko habang nagpatuloy sa pagtitipa.

"Oh, really? Then, pakisabi nalang na congrats sa kanya." Ngumisi ako sa sinabi niya.

Ang weird niya lang kasi dahil hindi naman niya kilala sila Kleiyo pero binati niya parin.

"Sige, sasabihin ko bukas." Ngiti kong sagot.

"Kumain kana diyan. Baka mamaya matutulog kana naman na hindi kumakain." Natawa ako sa sinabi niya.

"Wag mo nga akong problemahin. Ayos lang ako tsaka, palagi naman nila akong dinadalhan ng pagkain dito." Sabi ko.

"Are you sure?" Panigurado niya.

"Sure na sure! Hindi ko nanga alam kung magkano na ang bill na babayaran ko dito. Ikaw naman kasi, sabi mo dito lang ako." Ngumuso ako. Tumawa naman siya.

"Don't worry. Binayaran ko na ang lahat na gastusin mo diyan." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Nagbibiro kaba?!" Gulat kong sabi.

"I'm serious. Bakit may problema ka?" Aniya.

"Ang dami kong nagastos dito, Lukariah. Tsaka, kaya ko naman bayaran lahat ng 'to." Tumawa na naman siya.

"Parang hindi kana nasanay saakin. Tsaka, package 'yun kaya wala kang ikabahala." Napahinga nalang ako ng malalim.

"Sige nanga. Wala naman akong magagawa kasi ginawa mo na." Tumawa nalang siya.

"Goodnight, Treah." Malamig niyang sabi.

"Good night din, Lukariah." Sagot ko.

"I love you..." Napatigil ako sa sinabi niya. Tatanungin ko pa sana siya kaso pinutol niya agad ang linya.

Ngayon ko lang siya narinig na nagsabi siya saakin ng ganu'n na salita. Alam kong seryoso siyang tao kaya hindi siya basta-bastang magsasabi ng ganu'n. Pero baka bilang kaibigan lang naman siguro ang ibig sabihin niya. Naging malisyosa lang talaga ako.

Kinabukasan, kasal na nila Kleiyo at Adam. Suot ko ang backless long dress na kulay asul dahil 'yun ang gusto ni Kleiyo na suotin ko. Pinagbigyan ko narin dahil araw niya ngayon.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon