Chapter 30

27 17 8
                                    

Chapter 30

TREAH'S POV

SIX YEARS LATER...

Anim na taon na ang nakalipas nang mapadpad ako dito sa Paris. Sinadya ko talaga na lumabas ng bansa para hindi na ako nila makita. Iniba ko narin ang pangalan ko kapag nagpapakilala ako sa mga tao maliban sa mga papeles ko, Treah parin ang ginagamit kong pangalan.

Pumunta ako dito na walang kaalam-alam kung anong gagawin. Ang konting savings ko lang ang ginamit ko at hindi ko na ginamit ang credit card na binigay saakin ni papa dahil kapag mag withdraw ako ng pera, siguradong malalaman nila kung nasaan ako. Naging working student din ako nu'ng una hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral dahil hindi sapat ang savings ko para panggastos. Nakaahon din naman ako at may-ari na ng isang Café dito sa Paris. Hindi ko maaabot ang pangarap ko kung hindi ako tinulungan ni Lukariah. Isa siyang sikat na business man at Fil-Am dito sa Paris. Sa kanya rin ako nagtrabaho nu'ng una hanggang sa naging magkaibigan kami.

Malayo na ako sa Pinas kaya hindi na nila ako makikita at hindi naman siguro ako gaano kahalaga para ipahanap nila at paggagastusan ng milyon-milyon para mahanap lang ang ordinaryong katulad ko. Hindi ko naman talaga intensyon na umalis ng matagal. Naunahan lang ako ng takot at kaba na baka magtatampo sila saakin kung bakit ako lumayas. Kaya nanatili nalang akong nanirahan dito.

To be honest, I've miss them all. Walang araw na naiisip ko silang lahat. Siguro kasal na si Adrian kay Agatha ngayon. Wala na rin kasi akong balita sa kanila dahil hindi na ako masyadong active sa social media.

"Bonjour, Madame!" Bati ng mga employee saakin nang pumasok ako sa Café. Bonjour, Madame- Good morning, Ma'am.

"Salut, bonne journée." Ngiti kong bati na ang ibig sabihin ay, Hello, have a nice day.

"Magandang umaga, Ma'am." Salubong ni Yesha. Siya ang Manager ng Café ko. At Pinay rin siya kaya nagkakasundo kami.

"Magandang umaga rin sa'yo." Sagot ko.

Madalas kong binibisita ang Café kasi mas naeenjoy kong tumambay dito kesa magmumokmok ako sa Condo. Minsan naman binibisita ako ni Lukariah pero minsan lang dahil busy person siya. May sariling office kasi ako dito sa coffe shop kaya ayos lang na tatambay ako dito.

"Dumaan kanina si Sir Lukariah dito." Umupo ako sa swivel chair.

"Ano raw sabi?" Nakapamewang siya.

"Dadaanan ka nalang daw niya sa Condo mo. Wala ka kasi kanina eh." Tumango naman ako.

"Okay." Ngumiti ako.

Matagal na rin kaming hindi nagkita ni Lukariah dahil sa mga business trip niya. Minsan sinasama niya ako. At siya ang naging dahilan kung bakit nakapunta na ako sa iba't-ibang Kontinente dito sa mundo. Kasama rin namin ang kapatid niya na six years old na si Caspian. Minsan napagkamalan kaming magpamilya pag magkasama kaming tatlo pero hindi naman talaga.

Speaking of them, tumawag si Lukariah ngayon. At the same time ang pagbigay ni Yesha ng kape saakin. Kinuha ko ang phone at inilapat ito saaking tenga.

"Ate Eya. I miss you so much!" Sabi ni Caspian sa kabilang linya.

"Hello, baby. I miss you too." Humigop ako ng kape.

"I can't wait to see you later with Lukariah." Natawa ako.

"Me too, baby. I guess you're a big boy now?" Taas kilay kong sabi.

"Of course, ate Eya! So can I court you now?" Napailing ako sa sinabi niya. Six years old pa lang pero ang dami ng nalalaman.

"Hey, Caspian. Stop that!" Saway ni Lukariah.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon