Chapter 20

47 26 11
                                    

Chapter 20

Humiga ako sa kama pagkatapos kong mag shower. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na sobrang presko ng katawan ko. Kinuha ko ang dalawang piraso ng cucumber at inilagay sa dalawa kong mata.

Napakurap naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinanggal ko sa mata ang dalawang piraso ng cucumber. kinuha ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumawag. Napakunot ang noo ko na walang nakalagay na pangalan ang number na iyon.

"Hello?" Kunot noo kong sagot.

"Good evening, my love." Nagulat ako na si Adrian pala 'yun.

"Teka, sa pagkakaalam ko wala kapang number sakin ah." Napakagat ako ng labi.

"Naala mo nung nanghiram ng cellphone si Drein sa'yo? Tinawagan niya ako gamit ang number mo kaya sinave ko." Sabi niya sa kabilang linya at ramdam ko namang ngumisi siya.

"Ayy oo. Tama pala." Bulong ko sa sarili ko. "Teka, bakit ka pala napatawag?"

"Ayaw mo ba akong makausap?!" Tampo niyang sabi.

"Hindi naman. Syempre, gusto." Napanguso ako.

"Matulog kana, Wifey." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Sira kaba? Wala kapang isang minutong tumawag sakin, papatulugin mo na ako. 'Yung totoo, tumawag kalang ba para sabihang matulog na ako?" Tampo kong sabi. At napatawa naman siya.

"Gusto ko lang namang siguraduhing safe ang Misis ko." Sabi niya sabay tawa.

"Misis?" Napangisi narin ako.

"Oo. Soon to be Mr. Villanuva's wife!" Bigla naman akong napatakip ng unan sa mukha sa sinabi niya. "You're blushing, my love." Agad naman akong umayos sa pag-upo sa kama.

"H-hindi ah!" Tumawa siya. At napakagat nalang ako ng labi.

"Hanggang ngayon ba, magaling ka paring magtago ng totoo mong nararamdaman?" Sabi niya. Natahimik naman ako. Talaga bang mahilig akong magtago ng naramdaman ko? Hindi ko napansin yun.

"Oo na. Ikaw naman kasi ang lakas mong magpakilig!" Ngiti kong sabi. At humiga ulit.

"I think, you have to rest now. Malalim na ang gabi." Napatango ako.

"Ikaw rin." Sabi ko sabay hikab.

"Later. May ginagawa pa ako sa office ni Daddy." Napakunot ako.

"Sigurado kaba? Tsaka, maaga pa tayo bukas hindi kaba aantukin?" Pag-alala kong sabi.

"Kaya ko naman 'to. Tsaka, kailangan ko rin kasi alam mo namang ako ang magmamana ng kompanya." Huminga siya ng malalim. Dahan-dahan naman akong tumango.

"Ganun ba? Sige. Good night, my love!" Ngiti kong sabi sa kanya.

"Good night din, my love. Matulog kana, kakantahan nalang kita." Nagulat naman ako. Ayan na naman siya. Nagpapakilig naman. Ang swerte ko talaga te!

"Sigurado ka?"

"Oo, ayaw mo?" Aniya.

"Matatanggihan paba kita?" Sagot ko at ipinikit na ang mga mata habang nakikinig sa kanta ni Adrian.

Hindi ko talaga inexpect na ganito pala magmahal ang isang Adrian Villanueva. Ibang-iba sa nakilala ko noong una.

"There are times..."

"When I just want to look at your face..."

"With the stars in the night..."

"There are times..."

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon