Chapter 33

28 12 0
                                    

Chapter 33

TREAH'S POV

Suot ko ang isang kulay gray na long dress at boots habang nakalagay ang aviator shades sa aking mga mata at bitbit ang maleta na kasalukuyang naglalakad patungo sa kinatatayuan kung saan naghihintay si Lukariah saakin kasama ang mga body guards.

Naestatuwa siya nang makita niya akong papalapit sa kanya. Tinanggal ko ang aviator shades na suot ko nang nasa harapan na niya ako.

"Am I late? I'm sorry kasi tanghali akong nagising eh." Tahimik lang siya habang nakatitig saakin. "Hey, ayos ka lang?" Napakurap naman siya. At bumalik sa katotohanan.

"Pardon me?" Ngumisi ako.

"Sabi ko, late na ba ako?" Ulit kong tanong.

"N-no. Tama lang ang dating mo." Tumango ako at napanguso nalang.

"Eh, bakit napanganga ka nang makita mo ako?" Taas kilay kong sabi habang nakangisi. Nabigla naman siya.

"What? A-are you out of your mind? Of course, not!" Nahuli ko na namumula ang pisngi niya kaya humagalpak ako sa pagtawa.

"Ano kaba! It's just a joke. 'Wag kang over react nahahalata ka, eh." Nginisian ko siya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"You're crazy." Bulong niya. Natawa naman ako.

Lumapit 'yung secretary niya at may binulong ito. Tumango naman si Lukariah pagkatapos siyang binulungan. Tumingin 'yung secretary niya at nginitian niya ako. Sinuklian ko rin siya ng ngiti. Siya si Winzy Smith. At five years na siyang secretary ni Lukariah. Siya ang pinakamatagal na naging secretary ni Lukariah. 'Yung iba kasi hindi umaabot ng year dahil hindi nagugustuhan ni Lukariah ang trabaho nila. Magaling din kasi si Winzy kaya siya nagtagal.

"Let's go." Sabi ni Lukariah. Tumango naman ako at agad nagsimulang maglakad. Habang inalalayan kami ng mga body guards.

Hindi namin naisama si Caspian dahil hindi pumayag ang mommy niya na sumama siya saamin. Malapit na rin kasi ang pasukan sa France kaya hindi na rin siya pwedeng mag travel dahil kailangan na niyang mag ready. Grade two na siya sa darating na pasukan.

Private plane ang sasakyan naeroplano kaya nakakabuti saamin. At Nang makapasok na kami sa loob ng eroplano, sumandal agad ako sa kinauupuan ko. Medyo pagod pa kasi ako dahil nag overtime ako kagabi. Midnight na ata ako nakatulog dahil tinapos ko lahat ang mga papers na kailangan naming dalhin papuntang Pilipinas.

Inilagay ko ang earphones ko sa magkabila kong tenga at pagkatapos ipinikit ang mga mata para makapagpahinga muna ako. I think, almost thirteen hours 'yung byahe from Paris to Manila. Kaya matutulog muna ako dahil matagal pa naman maglanding.

"Treah...Bakit kapa bumalik?" Naguguluhan ako sa sinabi ng babaeng naasa harapan ko ngayon. Hindi ko siya kilala.

"Who are you?" Dikit kilay kong tanong. Ngumisi naman siya ng nakakaasar.

"Hindi kana dapat pa bumalik dito!" Nagulat ako nang bigla siya nagalit saakin.

"Anong pinagsasabi mo?" Kunot noo kong tanong. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Akin lang siya! Iniwan mo na siya kaya hindi mo na siya pwedeng bawiin saakin!" Sinamaan niya ako ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, sigurado akong kanina pa ako patay.

"Hindi kita kilala. Sino kaba?!" Nasisiraan na yata ang babaeng 'to.

"Mamatay kana sana, Treah. Sana mamatay kana!" Sigaw niya at sinugod ako habang itinutok niya ang baril na hawak niya. Kinakabahan ako nang bigla niyang pinutok sa ulo ko pero--

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon