Chapter 23

41 23 6
                                    

Chapter 23

ADRIAN'S POV

"Adrian." Inangat ko ang mukha ko sa taong nagsasalita. Bumaling ang tingin ko sa ininom kong beer nang makita ang pagmumukha ni Jorren.

"Among kailangan mo?" Seryoso kong sabi. Umupo naman siya sa harapan ko.

"Narinig ko ang pag-uusap nito ni Treah." Walang ekspresyon niyang sabi.

"Ano ngayon?" Taas kilay kong tanong. Huminga naman siya ng malalim.

"I know hindi mo kayang makipagbati sakin. Kaya ako nalang ang..." Napalunok siya. Inangat ko ang mukha ko sa kanya. "Naalala mo ba 'yung mga panahong kasama tayong pumupunta sa ibang lugar. 'Yung sa'yo ako natutong gumawa ng katarantaduhan. Siguro, kung hindi tayo nag-away nu'n magkaibigan pa siguro tayo."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Pangarap pa natin nu'ng una na sana magkapatid nalang tayo. Tapos nu'ng nalaman natin ang totoo, parang gumuho 'yung mundo natin. Nakakatawa diba." Dugtong pa niya.

Lihim naman akong tumawa at hinigpitan ang paghawak ng bote ng beer.

"Kumusta na pala si tita?" Tanong ko. Matagal-tagal ko naring hindi nakikita 'yung mommy niya Simula nu'ng pag-aaway namin. Siguro mga three years na.

"Well, she's good. Minsan ka narin niyang binabanggit kung bati na tayo." Aniya at napakibit balikat. "How about 'yung papa mo tsaka, 'yung mommy mo?" Hilaw siyang ngumiti.

"He's good din." Tumango siya. Alam kong nagpapanggap lang siya na okay na sa kanya ang lahat pero sa loob ng puso niya, dinramdam parin niya ang mga sakit na alala. Hindi niya ako maloloko dahil kilala ko na siya.

"Good to hear that." Ngiti niyang sabi.

"You're lying." Seryoso akong tumingin sa kanya. "Bakit mo ba 'to ginagawa?" Taas kilay kong sabi.

"For Treah." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "She want us to be okay. Yun naman ang gusto niya diba?"

"Pwede bang magpakatotoo ka? Ang hilig mong magtago ng hinanakit diyan sa puso mo eh! Alam kong hindi mo ito kayang gawin. Napilitan kalang naman diba? Ginagawa mo lang ito para kay Treah." Tumayo ako at iniwan siyang mag-isa.

Makipagbati rin naman ako sa kanya pero hindi muna ngayon. Masyado pang presko ang lahat ng nangyari. Siguro pag darating na 'yung araw na kaya ko na siyang tanggapin bilang isang kapatid pero hindi ngayon.

Mabuti pa, puntahan ko muna si Treah kung ayos lang ba siya do'n. Ilang or as na rin pala akong nag stay dito. 'Yung ibang mga kaklase ko, umuwi na at ang ina naman nakatulog dahil sa kalasingan.

Pagpasok ko sa loob, akmang aakyat na sana ako nang makasalubong ko ang isang katulong namin.

"Sir Adrian?" Tiningnan ko siya at para bang may pagtataka sa mukha niya.

"What?" Taas kilay kong sabi.

"A-ah.. W-wala pasensya na." Umiwas naman siya ng tingin. "Namamalik mata lang ata ako." Bulong niya sa sarili.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na umakyat papunta sa kwarto ko. Bubuksan ko na sana ang pinto pero bukas pala yun. Nagtataka ako kung bakit nakabukas yun eh, natutulog naman si Treah. Pumasok ako sa kwarto para tingnan si Treah. Laking gulat ko nang malamang wala siya sa kama. Hindi kaya umuwi na siya? Impossible naman kasi magpapaalam yun sakin kung uuwi na siya kasi ako ang maghahatid sa kanya.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at sinubukang tawagan 'yung number niya kung nasaan siya. Bigla namang tumunog yung isang cellphone na nasa mesa. At kay Treah yun. Nakapagtataka, imposimbleng umuwi na siya dahil naiwan niya ang cellphone niya dito. Baka siguro naglakad-lakad muna siya sa sulok ng mansion.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon