Chapter 17

39 27 7
                                    

Chapter 17

ADRIAN'S POV

Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay amponan. Napangiti ako nang tiningnan ang labas nito. Magaan sa pakiramdam na ang tagal ko ng hindi nakabalik dito. Kumusta na kaya silang lahat? Namiss ko 'yung mga bata dito tsaka sina mama Mildred.

Bumaling ang tingin ko kay Treah na sobrang himbing sa pagtulog. Napangiti ako habang tinititigan ang kanyang mukha. Lumapit ako ng konti at hinaplos ang mukha niya. Nilagay ko ang nakatakas niyang buhok sa kanyang tenga habang pinagmamasdan ang simple niyang napakagandang mukha.

Maya-maya ay gumalaw siya at idinilat ang kanyang mata. Tumingin siya sakin kaya ngumiti ako sa kanya at bumalik sa kinauupuan ko. Umayos naman siya sa pag-upo at tiningnan ang labas.

"Where are we?" Kunot noo niyang tanong habang yakap-yakap ang sarili.

"Bumaba kana. Andito na tayo." Sabi ko at lumabas kaagad sa kotse. Sumunod naman siya.

Tumingin ako sa gate kung saan andun si mama mildred. Ang pinakamatandang madre dito sa bahay ampunan. Nang makita niya ako, lumiit ang mata niya at inayos ang kanyang salamin para tingnan ako. Dahan-dahan naman siyang lumapit sakin. Tumingin ako kay Treah na nasa tabi ko. At ngumiti.

"Adrian?" Bumaling ang tingin ko kay mama Mildred.

"Mama Dred." Tawag ko sa kanya at niyakap ito. Mama ang tawag ko sa kanya dahil yun ang gusto niya.

"Ikaw pala 'yan. Bakit ka napadalaw?" Kunot noo niyang tanong.

"children's party ngayon mama diba? Kaya pumunta kami para tumulong." Napatingin siya kay Treah.

"Teka, siya ba ang girlfriend mo? Mabuti at sinama mo." Sabi niya. Magsasalita sana si Treah kaso inunahan ko.

"Gusto niya po kasing sumama kaya sinama ko dito." Ngiti kong sabi sabay akbay kay Treah. Napanganga naman siya.

"Wala ba kayong pasok dalawa?" Dikit kilay na tanong ni mama Dred.

"Meron po, tumakas lang po kami kasi nagpumilit--" pinutol ko ang sasabihin ni Treah.

"Ayaw naming palampasin ang araw na'to. Kaya pumunta kami." Nginitian ko si Treah.

"Ganun ba? Aba! Pasok na tayo sa loob. Matutuwa ang mga bata pag makita kayong dalawa." Sabi ni mama mildred at agad sumunod sa kanya sa loob.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Namiss ko ang lugar na'to. 'Yung sa playground kung saan ko hinihintay sila mommy at daddy tuwing kasama ko sila sa pagpunta dito. Doon ako tumatambay kasama 'yung babaeng kalaro ko noong una. Sinasabayan ko pa siya noong una maglaro ng barbie. Nakakainis talaga yun isipin pero tinitiis ko lang na kalaro siya dahil iiyak siya pag hindi ko sinusunod ang utos niya.

Kumusta na kaya siya? Tsaka, asan kaya siya ngayon.

"Adrian." Tumingin ako kay Treah habang nakatingin siya sa playground. "Alam mo bang nakapunta na ako dito." Tumingin siya sakin.

"Kailan?" Tanong ko. Magsasalita pa sana siya kaso sinugod kami ng mga bata.

"Kuya Adriaaaannnn!!!" Sigaw ng mga bata papalapit samin at nilibot kami ng yakap.

"Kumusta? Namiss ko kayo!" Sabi ko at kinarga ang pinakamaliit na bata.

"Ang tagal mo namang bumalik kuya."

"Kuya? Dinala mo ba ang babaeng 'to para sakin?" Sabi ng batang lalaki habang yakap-yakap si Treah. Napawi ang ngiti ko sa ginawa niya. Kung hindi lang siya bata, pinatulan ko na siya. Kakainis!

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon