Chapter 44

14 4 7
                                    

Chapter 44

"Who is he, ate Eya?" Kunot noong tanong ni Caspian.

Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Adrian.

"She's my girlfriend." Nagulat ang dalawa sa sagot ni Adrian.

"G-girlfriend?" pagtatakang sabi si Lukariah.

"Y-yes, Lukariah. I forgot to tell you that he's my boyfriend." Napanganga naman siya.

Tiningnan ko si Adrian na ngayon ay seryoso parin ang mukha na nakatitig kay Lukariah.

"Ahh okay. Let's go, Caspian." Nagtataka ako kung bakit aalis na sila.

"Wait, Lukariah. Dito nalang kayo magdinner kasama namin." Sabi ko.

"Hindi na, Treah. Sa condo nalang kami kakain. Maybe, let's just talk soon." Malamig niyang sabi. Dahan-dahan naman akong napatango.

Hinawakan niya ang kamay ni Lukariah at naglakad palabas ng mansion.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit umalis kaagad sila. Ang sabi niya saakin gusto nilang makita sila mama at papa pero umalis kaagad sila. May problema kaya sila?

"Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko? Tumawag ako sa'yo kanina." Walang ekspresyon niyang sabi.

Dali-dali kong hinalungkat ang cellphone ko sa bag para tingnan kung tumawag ba siya. At napatakip nalang ako ng bibig gamit ang kamay ko nang makita ang eighty-seven miss call niya.

"I'm sorry, hubby. Hindi ko namalayan na naka-silent pala 'yung phone ko." Pag-alala kong sabi.

"Magkasama ba kayo ng lalakeng yun?" Ngumuso ako.

"Actually, pinuntahan nila ako sa puntod ni lolo. Kakauwi lang nila kagabi tapos gusto akong makita ni Caspian kaya pinuntahan nila ako." Napakunot ang noo niya.

"Caspian?" Taas kilay niyang sabi.

"Y-yeah. 'Yung bata kanina." Huminga siya ng malalim. At umiwas ng tingin saakin.

Napansin kong iba 'yung kinikilos niya ngayon. Kanina lang sobrang sweet niya saakin tapos ngayon sobrang seryoso niya.

"Okay kalang ba?" Tanong ko.

"Syempre, hindi." Napakunot ang noo ko.

"Bakit naman? May problema ba sa kompanya?" Umiling siya.

"Because, I'm jealous." Napanganga ako sa sinabi niya. At natawa nalang.

"Pinagseselosan mo si Lukariah?" Ngisi kong tanong.

"Sino naman ang boyfriend na hindi magseselos kung sobrang lapit ng girlfriend niya sa ibang lalake." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Don't be jealous, hubby. Kahit sino pang lalake na makakaharap ko, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo." Huminga siya ng malalim at ngumiti.

"I know, Wifey. Ayaw ko lang mabaling ang atensyon mo sa iba." Napangiti naman ako.

"Wag kana kasing magselos." Kinurot ko ang ilong niya.

"Hindi na. I love you, Wifey." Aniya.

"I love you more!" Sagot ko.

Napakalas kaming dalawa sa pagyakap nang may papalapit saamin.

"Ang lakas maka PDA ninyong dalawa ah." Nakangising sabi ni Adam.

Kasama niya rin pala si Kleiyo.

"Hey! Napadalaw kayo?" Nilapitan ko si Kleiyo at niyakap.

"Gusto kang makita ng asawa ko eh. Pinaglilihian ata ang mukha mo, Treah." Sabi ni Adam.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon