Chapter 48

21 4 13
                                    

Chapter 48

Halo-halo ang sigaw na naririnig namin mula sa mga taong nakatingin saamin. May mga nagsitilian, kinikilig at sumisigaw ng kahit ano. At nangunguna na du'n ang mga kaibigan namin. Kulang nalang sa kanila ang magwala sa kinauupuan nila.

Tumayo si papa sa kinauupuan niya at naglakad papalapit saamin ni Adrian. Kahit ako kinakabahan din dahil hindi ko alam kung anong isasagot ni papa sa tanong ni Adrian.

Seryoso siyang tumingin kay Adrian. At kinuha ang hawak niyang microphone. Huminga muna siya ng malalim bago humarap sa mga tao. Tiningnan ko si Adrian na halata sa mukha niya na kinakabahan siya pero pilit niyang tinatago iyon.

"I want to tell you some inspiring story tungkol sa isang puso na nabiyak. Nawala ang kalahati at matagal na panahon niyang hinanap iyon para mabuo ulit ang kanyang puso. Hinarap ang maraming pagsubok. Naghintay ng maraming taon. And finally! for almost ten decades of sacrificing, nahanap na niya ulit ang kalahati na makapagpabuo ng nabiyak niyang puso." Napangiti lahat ng tao sa kinuwento ni papa.

"At ang pusong iyon ay ang dalawang nasa harap ninyo ngayon." Tumingin si papa saamin. At ngumiti. "Si Adrian na nabiyak, at ang anak ko ang nawala. Pero kahit pilit silang pinaglayo ng tadhana, hindi makakapagpapigil sa kanila kung ano ang nakatakda." Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Adrian Villanueva, marami kanang sinakripisyo sa anak ko. Panahon naman para maging masaya ka at ang anak ko. Pumapayag na ako sa gusto mo." Hindi maipaliwanag ang saya na naramdaman ni Adrian dahil sa sinabi ni papa.

Sa sobrang saya niya, napayakap siya kay papa ng mahigpit. Habang nakatingin sa kanila ang mga tao. Para silang mag-ama na ngayon lang ulit nagkita.

"Thank you so much, tito. I'll never break my promises to you." Ngumiti si papa at tinapik siya sa balikat.

Kumalas si Adrian sa pagyakap kay papa at humarap saakin. Mas lumakas pa ang pagtibok ng puso ko nang papalapit siya saakin. Mas naghiyawan ang mga tao nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. At may kinuha sa bulsa niya na isang maliit na box. Laking gulat ko nang binuksan niya 'yun na may lamang singsing.

Totoo naba 'to? Hindi ba ako nananaginip lang?

"Treah Rodriguez, will you marry me?" Napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko.

Ramdam ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Naiyak ako hindi dahil malungkot kundi sobrang saya ko at hindi ko yun maipaliwanag sa sarili ko.

I can't believe that this is happening. Nag slow motion 'yung paligid na parang kami lang dalawa. At walang ibang taong nakakakita saamin. Alam mo 'yung pakiramdam na kaharap mo ngayon ang isang taong pinakamamahal mo habang hawak ang isang bagay na napaka-importante sa inyong dalawa.

"Yes!" Lumapad ang ngiti niya sa sagot ko.

"Are you sure, wifey?" Panigurado pa niya.

"Sure na sure!" Sagot ko.

Agad siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat nalang ako na inikot-ikot pa niya ako.

"It's a yes!" Nakakatuwang sigaw niya.

Napatayo 'yung mga tao at nagsipalakpakan silang lahat.

"Hubby, bitiwan mo na nga ako!" Reklamo ko dahil nakaramdam ako ng pananakit sa tiyan ko.

Sumunod naman siya at ibinaba ako. Kinuha niya ang singsing sa maliit na box at isinuot ito ng dahan-dahan sa aking kamay. Hinalikan pa niya ito pagkatapos niyang maisuot. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"I love you, Wifey." Bulong niya saakin.

"I love you more, Hubby." Ngiti kong sagot.

Hindi ko makakalimutan ang araw na'to. Sa buong buhay ko kahit magkaka-amnesia pa ako hindi ko ata makalimutan ang petsa ng kaarawan ni papa kung kailan din nag propose saakin si Adrian. Isa ito sa pinakamasayang araw na naganap sa buhay ko.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon