Chapter 15

44 32 8
                                    

Chapter 15

Maaga akong nagising dahil lunes na naman. Ang araw na kinaiinisan ng lahat dahil kailangang gumising ng maaga para pumasok sa skwelahan o trabaho kahit may jetlag pa.

Habang naglalakad ako sa corridor, nagtataka ako kung bakit lahat ng studyanteng makasalubong ko ay nakatitig sakin. Ang weird.

Nagbulung-bulungan pa ang iba. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso ng lakad. Siguro naging ganun lang sila dahil siguro sa nangyari sa Camping o Ewan. Hindi narin ako nagtaka dahil pati sa classroom, ay ganun parin. Sobrang tahimik nila nang pumasok ako. Ano ba talagang nangyari. Ang weird naman. Nangyari na'to nung una pero mas weird 'yung ngayon. Hayyss.

Umupo na ako sa upuan. Napatingin ako sa gilid pero ganun padin. Wala pa si Adrian dahil late na naman. Gagraduate nalang siguro kami, hindi parin magbabago ang lalakeng yun.

And speaking of Adrian, papasok pa lang siya dito. Medyo matagal siyang nakarating sa upuan niya dahil sinugod pa siya ng mga babae. Nakakatawa talaga!

Walang ekspresyon ang mukha niya nang umupo siya sa tabi ko. Hindi ko narin siya pinansin dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sobrang awkward kasi ang dami ng nangyari.

Hindi rin naman nagtagal, pumasok na ang Teacher namin at agad nagturo. Sabik na sabik na yata talaga siyang magturo dahil isang linggo kaming walang pasok. At sobrang saklap dahil tambak lahat ang mga projects na gagawin namin. Nakakapagod na talaga. Parang ayoko ng mag-aral.

"Adrian." Tumingin ako sa kanya. "K-kailan ba tayo pupuntang lighthouse? Malapit na kasing ipasa 'yung report natin tapos wala pa tayong documentation." Napalunok ako nang bigla siyang tumingin sa mga mata ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Bukas ng hapon?" Taas kilay niyang sabi at ngumiti. Dahan-dahan naman akong tumango at umiwas dahil ramdam ko ang panginginit at pamumula ng aking mga pisngi.

"You're blushing, Ms. Rodriguez." Nagulat ako at nilingon siya habang nakangisi sakin.

"H-hindi ah!" Napatawa siya kaya sinapak ko. Umaandar na naman ang kalokohan nitong si Adrian.

Pagkatapos nun', ay nanahimik na kaming dalawa at nakinig sa tinuro ng teacher. Inaantok na nga akong makinig. Gusto ko ng mag lunch. Habang nagsasalita 'yung teacher sa harapan, ay panay naman ang titig ko sa orasan at inaantay ng maglunch dahil gutom na ako. Hindi na ako mapakali. Nangangati na 'yung kamay ko kasi gusto ko ng lumabas. Sampung minuto nalang naman. Malapit na.

Nang tumunog ang bell, napatayo agad ako na dala-dala ang bag at pagkatapos ay nilapitan ko si Kleiyo at Adam. Tumaas naman ang kilay nilang dalawa.

"Lunch?" Alok ko.

"Hmm... Magkasabay kami nagyon, Treah." Sagot ni Adam sabay akbay nito kay Kleiyo. Bakit? Ano bang meron sa kanila.

"Pwede ka namang sumabay samin, Trei." Sabi ni Kleiyo sakin at ngumiti.

"Diba sabi m-- Aray!" Napasigaw sa sakit si Adam nang biglang kinurot siya nito sa tagiliran.

"Teka, Kayo naba?" Kunot noo kong tanong. Tumango naman silang dalawa kaya natuwa ako nang malaman kong sinagot nanga niya si Adam.

"Talaga? Sana lahat talaga!" Ngisi kong sabi.

"Payagan mo na kasing manligaw si Adrian sa'yo." Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Adam.

"Tumahimik kanga." Saway ni Kleiyo sa kanya.

"Hay naku, sainyong dalawa. Sige na, pupunta na akong Cafe." Tinalikuran ko na sila at kinawayan.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon