Chapter 18

39 26 7
                                    

Chapter 18

ADRIAN'S POV

Hindi ako mapakali sa gagawin ko ngayon. Halos manginginig ako sa kaba kasi hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kaya ko ba talaga 'to? Ang manligaw sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ako expert manligaw. 'Yung katulad na ginagawa talaga ng mga lalake kapag gusto nila ang isang babae. Nagpaturo lang ako kina Adam at Kyle kung paano yun gagawin.

"Bro, ayos kalang ba? Parang kanina kapa hindi mapakali diyan." Ngising sabi ni Adam sa gilid ko.

"Kaya mo 'yan, Adrian. Sasagutin ka naman ng best friend ko." Sabi sakin ni Kleiyo sabay tapik sa balikat ko.

"Baka mabasted lang ako nito." Napakamot ako ng ulo. Tumawa naman silang lahat.

"Ano kaba, couz. 'Wag ka ngang kabahan! Manliligaw kapa lang, hindi pa ikakasal." Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Drein.

"First time mo ngayong mabasted, bro!" Asar ni Adam sakin. Binatukan naman siya kaagad ni Kleiyo kaya tumigil.

"Tumigil na nga kayo. Buti pa, pumwesto na tayo baka darating na si Treah." Sabi ni Ghlyzel. Huminga ako ng malalim. Napatigil naman ako nang tumahimik sila at nakatingin samin.

"Bro, 'wag ka ngang kabahan. Para kang sira diyan eh." Tumawa si Adam.

"Oo na! Lumabas nanga kayo. Kinakabahan ako sainyo eh." Aniko.

"Good luck, couz." Ngumiti naman silang lahat at isa-isang lumabas. Naiwan kami ni Kyle dito sa loob dahil siya 'yung kasama ko mamaya.

Tumingin ako Kay Kyle na hawak ang gitara. Napangiti naman kami sa isa't-isa.

"Kaya mo yan, bro." Ngiti niyang sabi at tinanguan ko nalang siya.

TREAH'S POV

Nakangiti akong pumasok habang iniisip ang nangyare kahapon. Ang ganda ng umaga ko ngayon at sobrang gaan sa pakiramdam. Ganito ba talaga kapag inlove ka?

"Good morning, Treah." Bati sakin ng hindi ko kakilala at nagbigay sakin ng isang rosas. "May nagpapabigay." Napakunot ang noo ko at tinanggap iyon.

"Salamat." Nginitian ko siya at agad siyang umalis. Sino naman kaya ang magbibigay sakin ng ganito?

Hindi pa ako nakaakyat sa hagdan, ay may dalawang babae na naman na nagbigay sakin ng rosas. Ganun din ang sinabi nila, may nagpapabigay daw. Pagdating ko sa hallway may tatlong sunod-sunod na lalake na nagbigay na naman sakin ng rosas. Nagbigay rin sakin si Ghlyzel at panghuli si Kleiyo. Tinanong ko sila kung anong meron pero nagmamadali silang umalis. Ang weird talaga.

Pagpasok ko ng classrom. Himala, dahil walang tao. Asan ba sila? Tsaka, bakit walang tao. Wala bang pasok ngayon? Impossible namang wala. Eh, ang daming nakita ko kanina.

Bigla akong napahinto nang may tumunog na gitara at pinatugtog ito. Kaya lumingon ako sa may pintuan at pumasok si Adrian na may dalang bouquet ng rosas habang nasa likod niya si Kyle na nag gigitara. Agad namang nagsidatingan ang lahat ng mga kaklase namin at tiningnan kami sa may bintana.

"You're the one that never lets me sleep.."

"To my mind, down to my soul you touch my lips..."

"You're the one that I can't wait to see..."

"With you here by my side I'm in ecstasy..."

Palapit ng palapit si Adrian sakin habang nagsitilian naman ang mga studyanteng nakatingin samin. Hinawakan ni Adrian ang kamay ko at ibinigay ang iba't-ibang kulay ng rosas sa isang bouquet. Napangiti narin ako habang pinapakinggan ang napakalamig niyang boses.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon