Chapter 4

93 48 18
                                    

Chapter 4

TREAH'S POV

"Sorry!?" Tumawa siya. "Mababalik ba lahat ng pagkain na inorder ko sa pisteng sorry mong 'yan!?" Tinaasan niya 'ko ng kilay at nagkibit balikat.

'yun lang ba problema niya? Dahil lang sa pagkain di niya matanggap ang sorry ko.

"Pwede ka namang mag-order ulit. Ako ang magbabayad." Sabi ko at tinuro ang counter. Nainis naman siya.

Lahat ng tao dito sa loob, ay samin nakatingin. Ang iba ay tahimik lang, may nagbulong-bulungan at ang iba naman ay kinukunan kami ng video. Sikat ba talaga siya dito? Tsaka, gano ba siya katapang.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kleiyo sa braso ko pero binalewala ko lan 'yun. Gusto ata ng away ng babaeng 'to kaya pagbibigyan ko siya.

"Di mo ba kilala kung sinong binabangga mo?" Nilapit niya ang mukha niya sakin. Nagtitigan kami sa isa't-isa.

"Sino kaba?" Tumawa siya sa tanong ko pati mga kaibigan niya. Yung iba rin tumawa pero ang iba seryoso.

"Well! I'd like to introduce myself to you. Ako lang naman si Agatha Ramirez, ang nag-iisang Campus Queen dito!" Turo niya sa sarili niya. "At ikaw! I know you're newbie here. Kaya, pagbibigyan kita! Pero itong tandaan mo. Di tayo magkalevel kaya matuto kang gumalang sa mga katulad ko." Aalis na sana siya sa harapan ko nang bigla akong sumagot.

"Why would I respect you?" Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Lumingon si Agatha sakin. "Ba't kita irerespeto kung di mo rin ako kayang respetuhin? We're all the same here. Lahat tayo andito para mag-aral. Hindi makipag sikatan sa kung anong meron tayo. Kailangan ba ng position para igalang ng mga tao?" Huminto ako saglit. Tinitigan ko siya. Kumunot ang noo niya.  "Campus Queen ka diba? Dapat ay hawak mo ang moralidad ng skwelahang ito. Dapat kang tularan ng kapwa nating kamag-aral. Pero sa ugali mong 'yan, Ang skwelahan parin ang nakakaawa dahil pinili ang basurang kagaya mo!" Tinaasan ko siya ng kilay. Kung ang iba natitiis siya, ako Hindi! Hindi ako isinilang sa mundong 'to para api-apihin kaya dapat lang lumaban.

"Nice one!" Sabi ng lalakeng kaibigan yata ni Adrian na pumalakpak pa. Sinapak naman siya ng katabi niya kaya napigilan siya.

"Treah, tama nayan." Awat sakin ni Kleiyo sa likod.

Nilapitan ako ni Agatha at sinampal ng napakalakas sa pisngi. Nagulat ang mga tao. Napahawak ako sa pisngi ko. Sasampalin pa sana ako sa kabila nang biglang may humawak sa kamay niya. At nagulat siya.

"J-Jorren?" utal na sabi ni Agatha.

"How dare you to slapped her face, Agatha?" Malamig na sabi ni Jorren.

"So, kakampihan mo pa talaga ang babaeng 'to kesa sakin!? God! Jorren. Ganun naba talaga kababa ang standard mo?"

Pinilit ni Agatha na alisin ang kamay niya kay Jorren pero malakas si Jorren kaya di niya maalis.

"Bitiwan moko!" Pagpipilit ni Agatha.

"Sa susunod na sasaktan mo ang kaibigan ko. Ako ang makakalaban mo." Pagbabanta ni Jorren.

Kaibigan? Ang sarap sa pakiramdam na tinawag niya kong kaibigan. Seryoso kasi siyang tao kaya di kapani-paniwalang umiimik din siya.

"Kaibigan!? Nakikipag kaibigan ka sa babaeng 'to!" Hindi siya pinansin ni Jorren.

Tumingin si Jorren sakin. Hinawakan niya ang kamay ko sa pulso at hinila palabas ng Cafeteria.

Nilingon ko ang loob. Andun silang lahat nakatunganga. Sila Kleiyo ay halata sa mukhang nag-alala. Nakita ko rin ang grupo ni Adrian na nakatingin samin palabas. Si Agatha naman ay naiinis at ang sama pa ng tingin sakin.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon