Chapter 36

26 10 9
                                    

Chapter 36

TREAH'S POV

Masaya at halong lungkot ang nararamdaman ko ngayong nasa harapan ko ang mga kaibigan ko. Masaya dahil nakita ko ulit silang lahat at malungkot dahil galit ako sa sarili ko. Masyado pala silang nag-alala saakin simula nu'ng umalis ako dito pero wala akong ginawa kundi ang hindi magparamdam sa kanila.

"Okay, stop muna tayo sa pag-inom. Maglaro muna tayo." Alok ni Francis.

"That is a good idea, Francis!" Sabi ni Adam.

"What kind of game do you want guys?" Tanong ni Cath.

Pinaliwanag ni Francis ang lalaruin namin. Tinawag niya itong Truth or Dare. Cliche na ang word na Truth or Dare pero masaya siyang gawin. May iba-iba rin naman ang paglaro ng Truth or Dare at iba din 'yung saamin. Papaikutin ang bote sa mesa at kapag naituro sa'yo sasagutin mo ang itatanong nila. Pero ikaw ang mag dedecide kung ano ang pipiliin mo pagkatapos ng tanong nila. Truth, kung gusto mong sagutin ang tanong nila. And Dare naman, kung ayaw mong sagutin pero iinom ka ng isang basong alak.

"Okay, game na. Ako ang unang magpapa-ikot ng bote." Sabi ni Francis. At inikot ang bote.

Natawa naman kaming lahat nang huminto ulit ito kay Francis. Sariling ikot ng bote sarili niya parin ang tinamaan.

"Sino ang magtatanong?" Sabi ni Francis at napasandal.

"Ako na. Matagal na 'tong nakabara sa utak ko eh." Sabi ni Ghlyzel. "Eto na 'yung pagkakataon na sabihin mo sa kanya. Anong sasabihin mo sa isang babaeng nagustuhan mo? At sino 'yun?" Tumingin kaming lahat kay Francis. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tanong.

"Gusto kita. Kaya respeto ka naman. Gustuhin mo rin ang katulad ko!" Tumawa kami sa sinabi ni Francis.

"Sino ba iyan?" Taas kilay na tanong ni Kyle.

"It's Cath." Napanganga kami. May gusto pala siya kay Cath.

"OMG! Really, Couz?" Taas kilay na sabi ni Kleiyo.

Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Cath.

"Since when?" Tanong ni Ghlyzel.

"Ooppss! Isang tanong, isang sagot lang guys! That's the rule." Sabi ni Francis. At pinaikot na naman ang bote.

Huminto na naman ang bote kay Kyle. At tinanong siya ni Francis dahil siya ang nagpaikot ng bote. Hindi sinagot ni Kyle ang tanong kaya uminom siya ng isang basong whiskey dahil yun 'yung pinili niya.

Nagpatuloy lang ang laro at konti nalang kami ang natira na hindi pa naturuan ng dereksyon ng bote.

Tahimik naman kaming lahat habang umiikot 'yun hanggang sa dahan-dahang huminto kay Adam.

"Oh no! Sapul ka bro!" Tawang sabi ni Kyle sabay sapak sa braso ni Adam. Napatawa rin kami.

"Eto 'yung tanong ko sa'yo, Adam." Nakatitig lang si Adam kay Kyle habang naghihintay sa sagot. "May isa kabang sekreto na tinatago kay Kleiyo na hanggang ngayon, ay hindi mo pa nasabi? Ano 'yun?" Tahimik kaming lahat habang naghihintay sa sagot ni Adam. Napatingin siya kay Kleiyo.

"Wala bang ibang tanong?" Napakamot siya sa ulo niya.

"Sagutin mo na kasi!" Ani Cath.

"Alright. Isang sekreto na hindi ko nasabi kay Kleiyo ay... Bakla ako." Seryoso niyang sabi. Nagulat kaming lahat.

Pati sa sarili ko, hindi ako makapaniwala.

"B-bakla ka?" Utal na tanong ni Kleiyo.

"Yes." Yumuko si Adam. Habang kami ay hindi makapaniwala lalo na sila Adrian at Kyle.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon