Chapter 28

37 21 5
                                    

Chapter 28

"Treah, what do you think?" tanong ni Cath sa aking harapan habang kanina pa pabalik-balik sa pagpili ng damit para sa Graduation Ceremony namin.

"Ayos na 'yan." tipid kong sagot at bumaling ang tingin sa magazine na hawak ko.

"Wala kaba talagang ibang sasabihin kundi ang ayos lang? Ilang damit na ang nakuha ko pero ganu'n parin 'yung sinasabi mo." ngumuso siya. Inangat ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Kasi kahit anong damit na susuotin mo bagay naman sa'yo." taas kilay kong sabi.

"I know right! Hinahanap ko lang talaga 'yung best para sa Graduation Ceremony natin tomorrow." napakibit balikat siya.

"Edi bilhin mo nalang 'yan lahat para hindi kana mahirapang pumili." sinamaan niya naman ako ng ngiti.

"Ikaw ba? Wala kabang balak pumili para sa suotin mo bukas?" kunot noo niyang tanong. Binaba ko ang magazine na hawak ko.

"Wala. It's just a Graduation Ceremony, Cath. Hindi kasal o iba pang events sa buhay ko." Tumawa naman siya.

"Sabihin mo nalang kasi, iniisip mo parin si Adrian kaya ka nagkaganyan." sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ah! Bakit ko naman siya iisipin." Umiwas ako ng tingin.

"Omg! Si Adrian!" Napalingon ako kung saan nakatingin si Cath. Hinanap ko pa kung saan pero wala.

"Wala naman ah." Dikit kilay kong sabi.

"Ano kaba! Hindi mo ba siya nakikita?" May baklang papalapit sa'min. Siya yata ang Adrian na sinasabi niya. "Wag mong sabihing ibang Adrian 'yang iniisip mo." ngising sabi ni Cath.

"Hey, Cath!" maarteng sabi ng bakla at nagbeso-beso ang dalawa. "Long time no see! Tsaka, mas lalo kang sumexy. Naiinggit na ako sa'yo!" ngusong sabi nito.

"By the way, I would like you to meet my new best friend. She's Treah Rodriguez." Pakilala niya sa'kin. Ngumiti naman ako.

"Treah Rodriguez?" Kunot noo niyang tanong.

"Yes!" sagot ni Cath.

"You mean, the ex girlfriend of Adrian Villanueva?" Taas kilay niyang sabi. Napatingin kaming dalawa ni Cath.

"Y-Yeah. Ako nga 'yun." ngumiti ako.

"Oh my gosh! Ang ganda mo pala sa personal!" napatakip siya ng bibig. Nagulat naman kami.

"Yes. Maganda talaga siya pero mas maganda parin ako no!" Taas kilay na sabi ni Cath.

"Ano kaba girl! Pareho kayong maganda. Sadyang iba lang ang genre ng beauty niyo. Ikaw, unique ang kagandahan mo. At siya naman nasa kanya ang simplicity is beauty!" Sabi ni Adrian habang may action pa.

"Oh, I forgot to tell you, Treah. Siya si Adrian Marquez. Ang nag-iisang unica hija ng may-ari nitong botique." Napatango naman ako at nakipagbeso sa kanya.

"You can call me, Mari. 'Wag na 'yung Adrian kasi ang angas. Tsaka, hindi nababagay sa beauty ko." Sabi ni Adrian este Mari.

Ang taray ng Mari niyang pangalan. Para siyang isang Maria Clarang binagsakan ng lupa. Anyway, maganda naman siyang bakla. Siguro kung lalake lang siya, ang gwapo niya at ang daming maghahabol na babae sa kanya.

Nauna na akong umuwi sa kanila dahil ihahanda ko pa ang sarili ko para sa Graduation namin bukas. Sa totoo lang, may susuotin na talaga ako para bukas kaya hindi na ako pumili kanina. Sinamahan ko lang si Cath.

Pagbaba ko ng taxi, napakunot ang noo ko nang may lalake sa labas ng gate namin at may nilagay na paper bag. Naglakad naman siya palayo nang bigla niya akong nakita. Hindi ko siya namukhaan kasi naka cap siya at hindi ko makita ang mukha niya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon