Chapter 13

59 32 11
                                    

Chapter 13

AGATHA'S POV

"Bwiset talaga! Bakit 'di nalang siya mamatay!" Inis kong sabi sabay sipa ng upuang nasa harap ko.

"Tumigil kana nga! Kanina kapa putak ng putak diyan." Nilingon ko si Cath at sinamaan ng tingin.

"Pwede ba. Kung di mo ako tutulungan, umalis kana lang!" Tinaasan ko siya ng kilay. Napailing naman siya.

Napahawak nalang ako sa ulo ko at napabuntong hininga. Hindi ko talaga matatanggap ang ginawa ng babaeng 'yun kanina sakin sa harapan ng maraming tao! Bwesit siya! Sana mamatay na siya.

Makakaganti rin ako sa'yo, Treah. Hintayin mo ang bagsik ng bulkang Taal. Tingnan natin kong 'di ka magsisisi sa lahat ng ginawa mo sakin.

"I know what you thinking, sis." Nilapitan niya ako at niliitan ng mata. "Kung ano man 'yan, 'wag mo na akong idamay!"

"Sure, Cath! I can handle this. Si Jorren lang naman ang gusto kong kunin. Wala akong pake sa Adrian mo." Taas kilay kong sabi.

"What!? Hindi ko alam ang gagawin ko, Agatha!" Reklamo niya.

"Ayaw mo'kong tulungan diba?" Napairap siya.

"Okay, fine! What's the plan? Palagi mo nalang akong dinadamay. Last na'to ah." Seryoso niyang sabi. Napangisi naman ako. That's my sister. Alam ko namang 'di niya ako matitiis.

Kaya humanda ka, Treah Rodriguez. Magsisisi ka talaga sa huli kong gagawin sa'yo. Titiyakin kong mawawala kana sa mundong ito dahil sa kahihiyan na gagawin ko para sa'yo.

Tingnan natin kung may epekto pa iyang tapang na pinapakita mo sakin.

ADRIAN'S POV

Biglang uminit ang dugo ko sa sinabi ni Agatha kanina kaya nagawa kong masabihan siya ng hindi magandang salita. Totoo rin namang malandi siya kaya mabuti na sa kanya 'yun. Lalong-lalo na si Treah ang sinabihan niya. Hindi ko rin maiwasang mag-alala kay Treah dahil di ko alam na sinaktan na pala siya ni Agatha. Lahat ng mga mag-aaral sa school ay takot kay Agatha dahil pag sinubukan mo siyang kakalabanin, hinding-hindi niya ito titigilan. Mabuti nalang si Treah ay nagawa pang ipagtanggol ang sarili niya. Ang akala ko nung una ay hahayaan lang niya ang sarili niyang apihin pero lumalaban pala siya. Napanganga pa nga ako nung sinagot niya kanina si Agatha.

Pag-alis ni Treah ay sinundan ko siya kaagad kung saan siya pumunta. Hindi ko kaagad siya nahanap dahil ang bilis niyang mawala. Di ko na alam kung saan siya nagpunta baka mamaya maligaw pa siya sa Isla na'to.

Napahinto ako nang makita ang babaeng umupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang alon ng dagat. Dahan-dahan naman akong naglalakad palapit sa kanya. Lumingon siya at napatigil ng makita niya ako.

"Bakit mo ako sinundan?" Kunot noo niyang sabi. At tsaka umupo sa tabi niya.

"Ang tapang mo kanina." Ngiti kong sabi.

Ngumuso siya. "Pinagtanggol ko lang ang sarili ko."

"May lahi kabang Amazona?" Asar ko sa kanya. Bigla naman niya akong sinapak sa braso.

"Siraulo ka talaga!" Aniya at napailing.

"Di ako makapaniwalang gagawin mo yun sa kanya." Bigla siyang natahimik at napayuko.

"Adrian." Taas kilay ko siyang tiningnan. "Mababa naba akong tingnan dahil pinatulan ko siya kanina?" Nilingon niya ako at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Ngumisi nalang ako kaya nagtataka siya.

"Bakit mo naman naisip 'yan?" Napayuko naman siya ulit kaya sumeryoso ang mukha ko. "Syempre, Hindi."

Natahimik kaming dalawa at tila alon lang ng dagat ang aming maririnig dahil sa sobrang katahimikan. Ramdam ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko tuwing nakakasama ko siya. Halos di ko maigalaw ang sarili ko di ko alam kung ano nga ba dapat ang gagawin.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon