Chapter 26

43 21 6
                                    

Chapter 26

ADRIAN'S POV

Bumalik ako sa hospital dahil wala naman palang kwenta na umuwi ako sa mansion. Dapat kasi, sa condo nalang ako dumiretso kanina. Nakakabad trip!

Siguro, mas nakakabuti na hindi ko muna iisipin ang sinabi nila Daddy sa'kin. Dapat ang isipin ko, si Treah. Dahil hanggang ngayon hindi parin siya nagigising.

Umupo ako sa gilid ng kama ni Treah habang pinagmamasdan siyang natutulog pa. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan. Ipinikit ko ang mga mata ko habang ginagawa ko 'yun. Sana magising na siya.

"Kung naririnig mo man ako, sana pakinggan mo ang sasabihin ko. Gumising kana, Wifey. Kailangan din kita eh. Lalo na ngayong hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko kaya na iiwan kang ganito. Hindi ko kayang iba ang makakasama ko habang buhay. Hindi ako papayag na basta nalang kitang iwan dahil lang sa sinabi nila Daddy. Ikaw ang babaeng nakapagpabago ng buhay ko, Wifey. Kaya umaasa ako na ikaw na ang makakasama ko hanggang sa huling hininga ko. Lumaban ka, Wifey. Andito lang ako, hinihintay ka."

"Adrian." Sabi ni Tita sabay hawak sa balikat ko. "Magpahinga ka muna."

"Ayos lang tita. Mas nadagdagan ang lakas ko kapag nakikita ko ang anak niyo." Nginitian ko siya. Tumingin ako kay tito na seryosong tumingin sa'kin.

"Alam mo. Namimiss ko narin ang anak ko." Tumabi si tita sa pag-upo sa kinauupuan ko. "Hindi ko alam kung mamahalin paba niya kami ng papa niya." Napangisi ako sa sinabi ni tita.

"Syempre naman po. Mahal na mahal kayo ng anak niyo. Hindi naman po maglalaho ang pagmamahal ng isang anak sa mga magulang." Seryosong tumingin si tita sa'kin.

"Sana nga. Sana nga, mananatili yun." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ang weird ng mga sinasalita ni tita sa'kin. Para bang may tinatago sila sa anak nila.

"Ano po ang ibig niyong sabihin sa mga sinasabi ninyo?" Pagtataka kong tanong. Napalunok naman siya at agad umiwas. Nakakapanghinala ang kilos ni tita. Sigurado akong may tinatago siya.

"W-wala. Siguro, naging ganito lang ako dahil namimiss ko lang ang anak ko." Ngumiti siya sa'kin. Kaya napatango nalang ako.

Kung ano man ang tinatago niya, sana sabihin na niya hangga't maaga pa.

Bumaling ang tingin ko Kay Treah nang biglang gumalaw ng dahan-dahan ang daliri sa kamay niya. Sa sobrang gulat ko, hindi ko magalaw ang katawan ko sa kinauupuan ko. Mas lalo pa akong nagulat nang unti-unting idinilat ni Treah ang mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko nang makita siyang gising na.

"T-tita." Utal kong tawag. "G-gising na ang anak niyo." Dali-daling lumapit si Tito sa'min.

"A-anak. Gising kana." Tumulo ang luha ni tita sa nakita. Tumingin sa'min si Treah at ngumiti.

"Adrian." Banggit niya sa pangalan ko.

"Honey, tawagin mo ang doktor!" Nataranta naman si Tito at agad lumabas para tawagin ang doktor.

"Salamat sa Dios at gising kana, Wifey." Ngiti kong sabi. At hinalikan siya sa noo.

"Kumusta ka, Anak? Maayos kaba? M-may masakit paba sayo?" Tarantang tanong ni Tita.

"Wag kang mag-alala, Ma. Ayos na po ako. Medyo mahapdi nalang po." Ngiti niyang sabi.

Sobrang lalim talaga ang tama ng bala sa tiyan niya kasi masakit parin hanggang ngayon.

Pumasok naman ang doktor at nurse kasama si tito. Tumabi muna ako dahil chineck muna nila si Treah kung maayos na ba ang lagay niya. Pagkatapos itong i-check, lumapit si Tita sa kanila.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon