Chapter 50

25 5 4
                                    

Chapter 50

TREAH'S POV

Ilang linggo narin ang lumipas magmula nu'ng pagtangkaan ni Chelsea ang buhay ko. Ang balita namin sa kanya nagpakamatay raw siya sa loob ng kulungan ilang araw lang ang nakalipas. Hindi na kami nagkamali kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya. Siguro, dahil sobrang depress na siya sa mga nangyari kaya naguguluhan ang isip niya at wala siyang ibang magawa kundi ang magpakamatay nalang.

Maayos narin ang buhay namin at wala ng manggugulo. At kahit ganu'n paman, medyo naaawa rin ako kay Chelsea kasi kahit ginawa niya 'yun saakin, alam kong hindi niya ginusto 'yun. Kinain lang talaga siya ng galit at inggit kaya nagawa niya ang mga bagay na masama.

"Wifey." Mahinang sabi ni Adrian.

Ang akala ko natutulog na siya hindi pa pala. Magkatabi kami ni Adrian ngayon sa pagtulog dahil nandito ako sa condo niya. Simula kasi nu'ng na enggage na kaming dalawa, dito na ako tumira.

"Bakit, Hubby?" Tanong ko.

"Bakit hindi kapa natutulog?" Aniya kahit nakapikit parin ang mata.

"Nagugutom ako, Hubby." Napanguso ako.

"Kumain ka nalang muna, Wifey. May pagkain naman sa refrigerator." Antok niyang sabi.

"Ayaw ko ng mga pagkain du'n!" Reklamo ko.

"Ano ba ang gusto mo?" Huminga ako ng malalim.

"Gusto ko ng balut." Bigla siyang napadilat sa sinabi ko.

"Anong balut? Wala naman tayong balut dito." Napakibit balikat ako.

"Edi hanapan mo ako ng balut. Sige na, hubby." Niyugyog ko pa siya para bumangon siya.

"Wifey, bukas nalang. Hating gabi na saan mo naman ako pahahanapin ng balut." Napatigil ako sa pagyugyog sa kanya.

"Kung ayaw mo edi, ako nalang ang maghanap!" Agad naman siyang bumangon.

"Ano? Hindi pwede. Delikadong lalabas ka ng gabi." Pag-alala niya.

"Aya mo kasing hanapan mo ako ng balut kaya ako nalang ang lalabas at bibili." Malungkot kong sabi.

"Oo, sige na. Ako na ang hahanap." Malapad akong ngumiti.

Natawa nalang ako dahil napilitan siya sa gusto ko kahit antok na antok na siya pero wala siyang ibang nagawa kundi ang guluhin nalang ang buhok niya at sumunod sa inutos ko.

"Sampu ang bilhin mo ha. Tsaka, meron ba 'yung magkadikit? Gusto ko yun eh." Nagulat siya sa sinabi ko.

"Saan naman ako hahanap ng itlog na magkadikit, Wifey?" Napakamot siya sa ulo niya.

"Maghanap ka." Nginitian ko nalang siya dahil hindi maipinta ang mukha niya.

Hindi ko talaga alam kung bakit nakaramdam ako ng ganito. Basta kanina bigla nalang akong nakaramda ng gutom at yun ang naisip kong kainin.

Kalahating minuto na akong naghihintay kay Adrian pero hanggang ngayon hindi parin siya nakabalik. Siguro, ang hirap lang talagang maghanap ng balut na magkadikit. Meron ba yun?

Maya-maya, nakarating din siya dala ang isang plastic na may lamang balut. Kinuha ko naman kaagad ang dala niya at tiningnan. Napawi ang ngiti ko nang makita kong hindi yun ang gusto ko.

"Ayaw ko nito." Nagulat naman siya.

"Ano? Diba sabi mo, gusto mo ng balut?" Kunot noo niyang sabi.

"Oo, pero ayaw ko ng may sisiw." Napanganga siya sa sinabi ko.

"Eh, hindi naman yun balut, Wifey. Penoy naman 'yung hinahanap mo." Napanguso nalang ako.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon