Chapter 12

67 33 8
                                    

Chapter 12

JORREN'S POV

Umaga na at hindi parin namin maiwasang mag-alala kung anong nangyari kay Treah. Kagabi pa siya 'di kumakain at di lumabas sa tent. Lumabas lang siya nang magsimula ang morning ceremony at pagkatapos nun' ay pumasok kaagad siya sa loob ng tent. Sinubukan ko siyang lapitan pero itinaboy lang ako nito.

"Ano ng gagawin natin?" Pag-alalang sabi ni Ghlyzel na kanina pa palakad-lakad sa harap ng tent.

"Ano ba kasing nangyari kahapon?" Ani Francis.

"Hoy! Ano ba? Magpakatanga lang ba kayo diyan kakahintay kay, Treah?" Reklamo ni Cath. "Kung di siya sasali sa mga activities, edi pabayaan niyo! Di naman natin kailangan ang tulad niya!" Pagtataray niyang sabi.

"Shut up, Cath!" kinunotan ko siya ng noo. Inirapan naman niya ako.

"Ilang minuto nalang magsisimula na ang mga activities." Ani Ghlyzel habang nakatingin sa wristwatch niya.

Napatingin kami sa Isa't-isa nang biglang tumunog na ang bell para sa lagtitipon para sa unang activity na gagawin. Agad naman kaming tinawag ng mga counselor.

Akmang aalis na sana kami nang biglang lumabas si Treah sa tent. Nakuha pa niyang ngumiti samin. Parang Wala lang sa nangyari niya kagabi. Di ko alam kung ano ang totoong nangyari sa kanya, pero alam kong labis siyang nasaktan.

"Trei! A-ayos kana ba?" Ani Ghlyzel at agad itong niyakap. Labis sa mukha niya ang pag-aalala

"Wag niyo 'kong alalahanin. Ayos lang naman ako. Tsaka, kita niyo namang ngumiti ako diba?" Ngising sabi ni Treah. At sinuklian rin namin ng ngiti.

Ang sarap sa pakiramdam na makita siyang masaya palagi. Na para bang wala siyang dinaramdam na problema. Mas maganda siyang tignan pag laging nakangiti.

Nung una, nasusulyapan ko lang siya ng tingin tuwing pupunta kami ng Davao dahil sumasama akong maghatid ng mga fertilizers para sa farm nila dahil business partner namin ang parents niya. Ngayon, nakikita ko na siya at nakakausap sa personal bilang... 'kaibigan'.

"Parade Rest!" Sigaw ng counselor at pagkatapos ay lahat kami nakalinya na kadagrupo.

"May tatlo kayong activities na gagawin ngayong araw. At sa bawat grupo, kailangan dalawa sainyo ang maglalaro sa isang challenge na magaganap." Anito sa harapan namin. "Una, ang wall climbing. Kasunod, ang Rappelling. At ang panghuli... ay Treasure hunting. Maliwanag!"

"Sir, yes sir!" Sigaw naming lahat.

"Okay, be ready in ten minutes." Umalis na siya pagkatapos siyang magpaliwanag.

"Guys! Sinong mauuna?" Tanong ni Francis habang nakatingin kami sa Isa't-isa.

"Sa tingin ko, kami nalang ni Treah ang magkasamang maglaro sa wall climbing." Sabi ni Ghlyzel. Magandang ideya 'yan para mas Hindi na sila mahirapan.

"What!? Hindi pwede! Dapat ako ang maglalaro sa wall climbing." Reklamo ni Cath kaya napatitig kaming apat sa kanya.

"Bakit naman? May Rapelling pa naman at treasure hunting. Doon ka nalang." Aniko. Inirapan naman niya ako.

"Ayaw ko nga! Delikado ang Rapelling lalo na ang Treasure hunting!" Napailing naman kami.

"Treasure hunting? Eh, yun naman ang mas pinakamadali sa lahat." Kunot noong sambit ni Francis.

"Ayoko nga! Masisira ang beauty ko sa kakahanap ng treasure!"

"Okay, sige! Ako na sa Treasure hunting. Tsaka, kaya kong mapag-isa." Nagulat naman kami kay Treah na pumayag siya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon