Chapter 3

90 48 36
                                    

Chapter 3

"Loloooo!" Sigaw ko habang sinalubong ako ni Lolo papasok ng bahay.

"Kamusta ang araw ng apo ko?" Aniya at niyakap ako.

"Medyo okay naman po. Teka, dumating naba sina mama at papa?" Tanong ko.

"Naku! apo, Kakaalis lang nila kanina papuntang Davao. Matagal-tagal din silang makakauwi kasi alam mo naman ang trabaho ng magulang mo."

May Farm kasi kami sa Davao at kailangang iyon asikasuhin nina mama at papa. Meron naman kaming mga Farmers dun pero iba parin daw kung andun sila mama na mag-susupervise sa farm kasi mas napapadali yung pagtrabaho.

Andito kami sa dining room kumakain ng dinner kasama si Lolo. At habang kumakain kami, ay kinuwento ko lahat sa kanya ang nangyari kanina. Pati ang kinaiinisan kong lalake na si Adrian. Sobrang lapit ko kasi kay lolo. Bata palang ako, ay siya na ang nag-aalaga sakin. Kaya hanngang sa lumaki ako ay sa kanya ko sinasabi ang lahat ng problema ko pati mga sekreto. Dahil siya rin lang naman ang palagi kong kasama sa bahay kasi sila mama at papa, sobrang busy sa Farm. Nakakalungkot din minsan sa bahay dahil wala akong kapatid pero mabuti nalang at andiyan si Lolo palagi.

"Good morning Lolo!" Bati ko habang papalapit sa kanya na nagbabasa ng magasin.

"Oh, ang aga mo naman yatang papasok ngayon?" Pagtatakang tanong ni Lolo.

"Eh, gusto ko po kasing maglakad papuntang school para naman ma exercise yung katawan ko, Lolo." Sagot ko habang kinuha ang sandwich.

"Kung ganun, hindi kana ba kakain ng pang-agahan?"

"Sapat na po 'to lo." Pinakita ko sa kanya ang sandwich. "Tsaka, kakain nalang ako sa Cafeteria pag nagugutom ako."

"Aba sige. Mag-iingat ka." nagmano ako kay lolo at hinalikan siya sa pisngi.

"Bye Lolo!"

Haaaayyy.. ang sarap sa pakiramdam na maglalakad sa umaga. Ramdam ko ang napaka preskong hangin at mga halaman na nasa paligid. Yung pakiramdam mong nasa probinsya ka. Namiss ko tuloy pumunta sa probinsya namin.

Medyo malayo din yung school galing dito pero maaga pa naman kaya mas pinili kong lalakarin nalang. Mas maganda kasi maglakad dahil maeenjoy mo lahat ng makikita mo sa paligid at bawas stress pa.

Ilang minuto narin akong naglalakad palabas ng subdivision. At habang patuloy ako sa paglalakad, ay Kanina ko pa napapansing may sumusunod sakin na sasakyan. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad ko. Medyo kinakabahan ako. Baka kasi kidnapper 'yun oo kung ano.

Napatalon ako nang bumusina yung sasakyan kaya nilingon ko na. Nagulat ako nang makita ko kung sino yung taong nakaupo sa driver's seat. Di kasi naka tinted yung glass kaya kitang-kita ko siya. Kumunot naman ang noo ko. Imbis na lalapitan ko siya, ay tinalikuran ko nalang at naglakad ng mabilis.

Habang mabilis akong naglakad ay tumabi yung kotse niya sa gilid ko at binuksan ang bintana sa gilid ng driver's seat.

Nilingon ko siya.

"Sinusundan mo ba ako!?" Inis kong tanong. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"What would I do that miss?" Tinaas din niya ang kilay niya at binaba ang shades na suot.

"Tsk. Ano bang ginagawa mong pagsabay sakin ha!?" Huminto ako. Hininto niya rin ang kotse niya.

"Bawal ba? Tsaka ililigtas lang naman kita miss kasi baka malalate ka naman. Kaya sumakay kana." Ngumuso siya.

Napabuntong hininga ako. " Anong pake mo kung malalate ako ha? Tsaka di ko kailangan ng super hero na kagaya mo! Mayabang!" Inirapan ko siya. At nagpatuloy ng maglakad.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon