Chapter 43

18 4 3
                                    

Chapter 43

TREAH'S POV

Kakatapos lang naming magdinner kasama ang pamilya ko at si Adrian. Nagpasya ako na dito muna magpalipas ng gabi kaya umuwi na si Adrian ng mag-isa. Pupuntahan nalang daw niya ako bukas ng umaga. Naiintindihan naman niya para makasama ko rin sila mama at papa maliban kay lolo.

Isang malungkot na balita na matagal ng nagpaalam si lolo dito sa mundo. Tatlong taon na ang nakalipas. Sakit sa puso ang dahilan ng pagkamatay niya. Iniisip ko na ako 'yung dahilan ng lahat kung bakit nagkaganito. Kung hindi lang ako lumayas at iniwan ang pamilya ko nu'n, siguro buhay pa si lolo.

Napatingin ako sa pintuan nang biglang bumukas iyon at pumasok si mama dito sa loob ng kwarto. Lumapit siya saakin at tumabi sa kinauupuan ko sa kama.

"Pwede ba kitang makausap sandali?" Pakiusap niya. Nginitian ko siya at tumango.

"Oo naman, mama." sagot ko.

"Sobrang saya ko anak, na bumalik kana dito. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito na makapiling ka ulit." Hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Alam mo, nu'ng wala kapa dito. Araw-araw kang iniisip ng lolo mo. Araw-araw niyang binabanggit ang pangalan mo." Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko sa sinabi ni mama.

"Mama, I'm sorry. Kasi ako 'yung dahilan kung bakit namatay si lolo." Umiling si mama.

"Hindi, anak. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Matanda na ang lolo mo kaya nangyari 'yun. At masaya siya na nakita ka niya ngayon dahil bumalik kana dito." Ngiti niyang sabi.

"Mama, galit ba kayo saakin?" Malungkot kong sabi. Huminga naman siya ng malalim.

"Hindi ako galit sa'yo, anak. Kahit kailan, hindi ko naisip na magalit sa'yo. Naintindihan kita kung bakit ka umalis kaya walang dahilan kung bakit kami magagalit ng papa mo. Pero ang iniisip ko lang nu'n ay kung maayos ba ang lagay mo kung nasaan ka man. At sa nakikita ko ngayon, higit pa sa inaasahan ko na isa kana palang youngest millionaire. I'm so proud of you, anak." Ngiting sabi ni mama.

"Hindi ko naman po 'yun maaabot kung walang tumulong saakin na ibang tao." Yuko kong sabi.

"No man is an island. Kaya kasama ang ibang tao sa pag-abot ng mga pangarap natin, anak. Kahit ako, hindi ko maaabot ang mga pangarap ko kung wala ang papa mo." Napangiti ako sa sinabi ni mama.

Ang ganda ng payo ni mama saakin. Tama lahat ng sinabi niya. Hindi maaabot ang pangarap natin kung walang ibang taong tutulong saatin.

Nagulat si mama nang niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you, mama." Bulong ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim.

"I-I love you too, a-anak." Ramdam ko na umiyak na siya. "Wag kana ulit mawawala saamin ha? Baka sa susunod, hindi ko na kakayanin." Tinapik ko ang balikat niya.

"Hindi na, mama. Pangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na kayo iiwan." Sagot ko.

Pagkatapos naming mag-usap, lumabas na siya sa kwarto at natulog narin ako. Kailangan ng magpahinga ng mga mata ko. Kanina pa kasi ako iyak ng iyak dahil sa nangyari.

Kinabukasan, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at napakunot ang noo nang makita ko si Adrian sa na nakatitig sa harapan ko.

Ayos na ayos siya at nakasuot ng suit. Papasok na siguro siya sa trabaho niya. Habang ako, nakalapag pa dito sa kama at hindi pa naliligo.

"Wifey, bumangon kana. Anong oras na oh." Paulit-ulit niya akong hinila para bumangon.

"Inaantok pa ako, hubby." Sabi ko. Tumigil naman siya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon