Chapter 24

38 23 4
                                    

Chapter 24

ADRIAN'S POV

Mag-isa akong pumunta sa binigay na address sakin ng babaeng tumawag kanina. Nakasunod lang si Jorren sa'kin at pati mga pulis. At ako lang muna ang magpapakita do'n bago sila aaksyon para hindi daw sila mahirapang hulihin ang mga suspect. Malayo ang lugar na ito galing sa Lungsod na tinitirhan namin. Tatlong oras din ang byahe para makarating ako. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ng sasakyan para mabilis akong makarating.

Sana naman maayos ang lagay ni Treah do'n. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya. Lalo na ang mga taong nagtatangka sa buhay niya.

Bigla kong binagalan ang pagtakbo nang makarating na ako sa isang napakalaking lumang bahay. Kung titingnan parang haunted house dahil hindi na ito nalinisan. Pinarada ko ang sasakyan sa gilid at lumabas kaagad.

Napahinga ako ng malalim bago pumasok. Naglakad ako papasok sa loob ng bahay. Mga alikabok at mga maruruming bagay ang bumungad sakin nang makapasok na ako. Bigla akong napakurap nang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad sa bulsa ko dahil tumawag na naman ang babae.

"Andito na'ko." Walang ekspresyon kong Sagot.

"Good. Siguraduhin mong wala kang kasama." Aniya sa kabilang linya.

"Wala akong kasama." Kinuyom ko ang mga kamao ko.

"Umakyat kana dito sa rooftop. Hinihintay kana ng girlfriend mo. Diba, Treah?" Inilapit ng babae ang cellphone sa kay Treah. "Adrian, umalis kana! 'Wag mo na akong alalahanin." Bigla akong nanghina nang marinig ko ang napakaawang boses ni Treah.

"Oh, how sweet death." Ani ng babae sabay tawa.

Hindi na ako sumagot at dali-daling umakyat papuntang rooftop. Hindi ko talaga mapapatawad kung sasaktan nila si Treah. Kung meron man dapat ako yun. Ako ang dapat saktan nila hindi si Treah dahil wala naman siyang kinalaman sa nangyayari.

Nang makarating ako sa pinakaitaas, sinalubong ako ng mga alagad niya. Binuksan nila ang nakakandado na pintuan at pagkatapos ay pinapasok ako. Agad naman nilang sinarado ang pinto nang makapasok ako at narinig ko pa ang pagkandado nila sa pintuan.

Napakunot ang noo ko ng wala naman sila dito sa rooftop. Naglakad pa ako sa ibang bahagi para hanapin kung nasaan sila. Napatigil ako sa paglakad nang makita ko si Treah na nasa loob ng walang laman na malaking aquarium. Nakatali ang mga kamay niya sa likod at nakatakip ang bibig niya ng tape.

Gumuho ang mundo ko sa lahat ng nakita ko. Hindi ko akalain na ganito ang gagawin nila. Mga hayop sila. Mas lalo akong nanghina nang makita ang kalagayan ni Treah. Kitang-kita sa mukha ni Treah ang pag-alala at mga luha na pumapatak sa gilid ng kanyang pisngi.

Bumaling ang tingin ko sa babaeng pumwesto sa harapan ko. At nagulat ako nang si Chelsea yun. Sinasabi ko nanga ba, may masama siyang balak kagabi. Si Chelsea ang isa sa mga naging babae ko no'ng una at hindi na ngayon. Siya 'yung babaeng nakita ko sa labas ng gate no'ng una na dinala ko sa condo ko.Kailanman, wala kaming relasyon. Sex lang talaga ang habol niya. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin ang ganito.

"Wala ka parin talagang pinagbago, Mahal ko." Ngiting sabi ni Chelsea habang nakakibit-balikat.

"Pakawalan niyo na ang girlfriend ko. Ako lang naman ang kailangan niyo diba?" Seryoso kong sabi. Tumawa naman siya.

"Sa tingin mo, hahayaan ko nalang pakawalan ang babaeng 'yan na wala akong makukuha?" Taas kilay niyang sabi.

"Ano pa bang kailangan mo, Chelsea?!" Galit kong sigaw. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon