Chapter 35

24 10 1
                                    

Chapter 35

Inayos ko ang sarili ko paglabas at inisip na walang nangyari kanina sa restroom. Hindi ko naman alam na sinundan niya pala ako kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko sa purse nang biglang tumunog iyon.  Tumawag si Lukariah kaya dali-dali kong pinindot ang button para sagutin.

"Eya, kita nalang tayo sa hotel. May isang client pa akong pupuntahan." Sabi nito sa kabilang linya.

"Saan? Pupuntahan nalang kita para makatulong naman ako." Sagot ko.

"Hindi na. Ayos na 'yung ginawa mo kanina. I'm so proud of you. Good job, Eya!" Ramdam ko na ngumiti siya.

"Thank you, Lukariah. Mag-ingat ka. Kita nalang tayo sa hotel." Ngiti kong sabi.

"Yeah, I will. Ikaw rin, bye." Agad niyang pinutol ang linya.

Inilagay ko pabalik ang cellphone sa purse at akmang lalakad na sana nang bigla kong nakasalubong ang isang babae. Napahinto rin siya nang makita niya ako. At hindi makapaniwala.

"K-kleiyo?" Sabi ko sa sarili ko.

"Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Treah ba talaga 'tong nasa harapan ko?" Kunot noo siyang lumapit saakin. Hinawakan pa niya ang magkabila kong pisngi para siguraduhin kong totoo nga ba ang nakita niya.

"Treah? Ikaw nga!" Aniya sabay yakap ng mahigpit saakin.

"Kleiyo." Kumalas siya sa pagyakap. Nagtataka naman ako nang bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"Saan kaba galing at bakit ang tagal mong nawala!" Niliitan niya ako ng mata.

"Pumunta akong France, eh." Sagot ko.

"France? Galing kami du'n two years ago kasama si Adam. Bakit hindi ka namin nakita?" Ngumuso siya.

"Ang dami mong tanong. Buti pa maghanap nalang tayo ng malapit na restaurant dito para naman makapag-usap tayo ng maayos." Ngiti kong sabi.

"Good idea! Tsaka, ang dami pang mga tanong na nakapundo sa isip ko tungkol sa'yo!" Tumawa nalang ako. At sabay kaming pumunta palabas ng kompanya nila Adrian.

Sasakyan ko ang ginamit namin papunta sa isang sikat na restaurant dito sa manila na sinasabi ni Kleiyo. Ang laki ng pinagbago ni Kleiyo. Mas lalo pa siyang gumanda at mas pumorma pa ang katawan niya dahilan na mas lalo siyang sexy tingnan. At tsaka, hindi ako makapaniwala na sila parin ni Adam hanggang ngayon.

Ang tagal na naming hindi nagkita. Kumusta na rin kaya sila Francis at Ghlyzel. Hindi ko pa nakikita ang dalawang 'yun tsaka si Cath.

"So, are you staying here for good?" Tanong niya. At the same time, ang paglagay ng waiter ng mga pagkain namin sa mesa.

"Actually, no. I'm just here for business only." Ngumuso siya.

"Seriously? How about tita Treassea? Alam naba niya na andito ka?" Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya.

"N-no. Hindi na rin siguro kailangan. Babalik din naman ako kaagad." Tumango siya.

"I'm sure, tita already missed you. Teka, kwento mo nga ang buhay mo sa France." Ngumiti ako.

Kinuwento ko ang lahat na nangyari. Sinimulan ko sa pinakauna kung paano ako napadpad sa France at bakit nanatili na ako doon ng mahigit anim na taon. Hindi naman siya makapaniwala na ganu'n kahirap ang naranasan ko noong bago pa ako sa France. Pero mas hindi siya makapaniwala na ako pala ang may-ari ng isang Café doon. Hindi ko akalain na sikat pala dito ang Café ko sa Pilipinas.

"Grabe, Ang laki ng pinagbago mo ah. Isa kana palang youngest millionaire!" Puri niya saakin. Napatawa nalang ako.

"Hindi ah! Hindi ko maaabot ang lahat kung hindi ako tinulungan ni Lukariah."

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon