Chapter 29

40 21 10
                                    

Chapter 29

Inalayan ko si Treah papasok sa kotse ko para ihatid na siya sa bahay nila dahil sa sobrang lasing na niya. Isinandal ko muna siya sa front seat at naghanap ng tubig para ipainom sa kanya para naman mabawasan ang pagkalasing niya. Sakto na idinilat niya ang mga mata niya kaya pinainom ko siya ng tubig. Nagulat nalang ako nang bigla niyang sinukaan ang damit ko. Kadiri! Wala pa naman akong extra shirt.

Umikot na ako sa driver's seat at hinubad ang damit na sinukaan niya. Akmang paandarin ko na sana ang sasakyan pero napahintobako nang magsimula siyang magsalita.

"Adrian...Huwag mo akong iwan... Hindi mo naba ako mahal?" Mahinahon niyang sabi habang nakapikit parin ang mga mata.
"Sana ako nalang... Ako naman dapat ang kasama mo bukas diba? Ako dapat 'yun eh...Hindi si Agatha." May tumulong luha sa gilid ng mata niya. Lumapit ako sa kanya para punasan 'yun.

"Sana pagbigyan mo ang hiling ko na pumunta ka bukas. Kaya ko namang pigilan 'yun para sa'yo. Bahala na kung sabihin nilang makasarili ako pero ikaw ang gusto ko. You know how much I love you, Treah." Gusto kong sabihin at iparinig 'yun sa kanya pero hindi ko magawa kaya sinabi ko nalang iyon sa isipan ko. Pagkatapos, ay hinalikan siya sa labi ng matagal.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi pa ito ang huling halik na mahalikan kita, Treah.

Kumalas agad ako sa paghalik nang bigla siyang gumalaw. Akala ko nagising siya pero ang himbing parin ng tulog niya.

Pinaandar ko na ang sasakyan para maihatid na siya sa bahay nila dahil baka nag-alala na rin sila tita sa kanya. Sigurado akong mapapagalitan ako ni tito kung makikita niya ako basta ang importante naihatid ko si Treah ng safe.

"Anak, bakit kaba naglalasing!" Inalalayan ni Tita si Treah papasok ng bahay. Habang si Tito naman ay nananatili parin dito sa labas ng bahay nila habang ang sama ng tingin saakin.

"Bakit mo kasama ang anak ko?" Seryoso niyang sabi.

"Hinatid ko lang kasi--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang ako kwenelyuhan.

"Wag na wag mo ng lalapitan ang anak ko! Hindi paba sapat na sinaktan mo siya ha, Adrian?" Napalunok ako. Kumalas siya sa pagkwelyo saakin at pumasok kaagad sa loob ng bahay. Napahawak ako sa noo ko at napailing nalang.

Hindi ko rin naman talaga masisisi si tito kung ganu'n niya ako tratuhin. Ayos lang saakin na saktan niya ko dahil deserve ko naman ang sakit na pinaramdam ko kay Treah.

TREAH'S POV

Tanghali na at napilitan akong gumising dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. At sobrang bigat ng pakiramdam. Ano ba kasing nangyari kagabi at bakit hindi ko maalala.

Napakurap ako nang may biglang tumunog 'yung cellphone ko kaya kinuha ko kung sino 'yung tumawag. Si Cathlyn lang pala.

"Hey, Treah. Are you feeling well?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Ano bang nangyari kagabi?" Kunot noo kong tanong.

"Wait, don't tell me wala kang natatandaan?" Bumangon ako sa kama.

"Wala." Sinubukan kong isipin ang nangyari kahapon.

Ang natatandaan ko ay pumunta kaming bar pagkatapos ng Graduation Ceremony para uminom. Pagkatapos nu'n ay... Teka, wag mong sabihin na...

"Teka, l-lasing ba ako kagabi?" Tumawa siya sa tanong ko.

"Oo! Nagwawala kapa nga kagabi eh!" Kinagat ko nalang ang mga daliri ko.

Talaga bang uminom ako kagabi? Grabe, nakakahiya ang ginawa ko.

"Ano pang nangyari?" Suminghap siya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon