Chapter 46

18 5 6
                                    

Chapter 46


"K-kuya, ihinto mo ako dito." Sabi ko kay manong driver. Sumunod naman siya at itinabi sa gilid ang sasakyan.

Sa sobrang lutang ko sa kakaisip ng mga nangyayari, hindi ko namalayan napadpad na pala ako dito sa bahay ampunan. Actually, nag taxi lang ako at sinabi ko sa driver na ipasyal niya ako kahit saan. At nang makita ko ang bahay ampunan kung saan madalas kaming pumupunta ni Adrian nu'ng una, naisip ko na dumalaw ulit. Matagal narin kasing hindi ako nakapunta dito.

"Ma'am, wala po akong barya sa pera mo eh." Napakamot si kuya nang binigay ko sa kanya ang isang libo para sana sapamasahe ko.

"Uhmm... Keep the change, kuya. Salamat sa pagpasyal saakin." Aniko at ibinigay sa kanya ang pera.

Hindi ko na siya pinasalita at lumabas na sa taxi niya. Nakahinga ako ng malalim nang makita ang bahay ampunan. Kumusta na kaya silang lahat?

Naglakad ako papasok sa loob para makita si mama Mildred lalo na ang mga bata nu'ng una. Pagpasok ko, ang dami na palang pinagbago. Nag-iba na lahat pati ang mga inaasahan kong mga kabataan. Hindi ko narin nakita si mama Mildred.

"May hinahanap po ba kayo?" Tanong ng isang batang lalake.

Parang namukhaan ko siya pero hindi ko siya natandaan. Inisip ko kung sino siya. At hindi naman nagtagal, pumasok sa isip ko na siya 'yung batang lalake nu'ng una na sinungitan ni Adrian. Si Darren.

"Darren? Ang laki-laki mo ah!" Ngiti kong sabi. Nagtaka naman siya.

"Sino po ba kayo?" Kunot noo niyang tanong.

"Ako si ate Treah mo. Hindi mo ba ako natatandaan?" Ngumuso ako.

Tinitigan niya ako ng mabuti at inalala ang mukha ko. Unti-unti namang lumapad ang ngiti niya nang matandaan na niya ako.

"Ikaw si ate ganda? Yung kasama ni kuya pogi nu'ng una?" Napatawa ako sa sinabi niya.

"Oo ako nga." Napangiti siya at niyakap ako.

Ang laki-laki na pala ng batang 'to. Ang tangkad na niya. Siguro dito na talaga siya lumaki.

"Nasaan ba ang iba mong mga kasama nu'ng una?" Kumalas ako sa pagyakad. Bigla namang napawi ang ngiti niya sa tanong ko.

"Wala na po sila eh. May mga sarili na po silang mga magulang." Malungkot niyang sabi.

"Ganu'n ba? Si mama Mildred, andito paba siya?" Umiling siya.

"Matagal na pong nasa langit si mama Mildred. Tatlong taon na ang nakalipas." Dahan-dahan akong napatango.

Bigla kong naalala si lolo. Pareho silang tatlong taon nawala dito sa mundo. At sobrang lungkot dahil pareho ko silang hindi man lang nakita.

"Teka, bakit po pala kayo napadalaw? May aampunin po ba kayo?" Kunot noo niyang sabi.

"H-hindi. Napadaan lang ako kaya pumunta muna ako dito." Tumango naman siya.

"Ate, maiwan muna kita ah. Inutusan pa kasi ako ni Nanay, siya ang pumalit kay mama Mildred dito." Napatango ako.

"Sige, walang problema." Agad naman siyang umalis.

Naglakad nalang ako papunta sa playground. Akala ko wala na ang playground nila dito pero andito pa pala. Ito nalang ang naiwan na hindi nagbago ang itsura ganu'n parin gaya ng dati. Marami naring mga bata na nandito hindi katulad nu'ng una. Konti palang sila.

Umupo sa ako sa bench habang pinagmamasdan ang mga makukulit na mga bata na naglalaro sa paligid. Sa tuwing tinitingnan ko kasi sila, nawawala ang lungkot na nararamdaman ko.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon