Chapter 27

37 20 8
                                    

Chapter 27

Kinabukasan, hindi ako nagparamdam kay Adrian. Maski tawag man lang o text, hindi ko ginawa 'yun. Buong araw akong nagkulong dito sa kwarto. Kanina pa pabalik-balik sa pagkatok sila yaya pero hindi ako umiimik. Minu-minuto tumutunog 'yung cellphone ko sa kakatawag at kakatext ni Adrian pero niisang mensahe niya, hindi ko binasa.

Hindi ko alam kung tama ba talaga na basta-basta nalang na hindi ako nagpaparamdam sa kanya. Pero naniniwala ako na ito lang ang paraan para mawala 'yung feelings niya para sa'kin.

Napalingon ako sa pinto nang biglang bumukas iyon. Nagtataka naman ako kung bakit niya nabuksan.

"Ahh... Treah. Hiningi niya 'yung duplicate na susi sa'kin eh." Sabi ni yaya. Pumasok naman si Adrian at isinara ang pinto.

"Bakit ka andito? Diba ang sabi ko tatawagan lang kita." Walang ekspresyon kong sabi. Naglakad siya papunta sa'kin at tinabihan ako sa kama.

"Hindi mo naman sinasagot ang tawag ko. Kaya pumunta na ako dito kasi namimiss na kita." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ang OA ha. Isang araw lang naman na hindi mo ako nakasama." Sinubukan ko siyang sungitan para magalit siya sa'kin.

"Ano ba talagang problema mo? Iniiwasan mo ba ako?" Dikit kilay niyang tanong. Hindi naman ako makatingin sa kanya ng deretso.

"Wala nga akong problema! Umalis ka muna, Adrian. Gusto ko lang mapag-isa." Lumayo naman siya ng konti.

"I don't believe you. Halata naman sa mga mata mo na umiiyak ka." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sabihin mo na, Wifey. Makikinig ako." Napatingin ako sa kanya.

Siguro mas makakabuti saaming dalawa kung sabihin ko na. Para hindi na rin niya ako kukulitin.

"Siguro, Adrian. Maghiwalay na tayo." Napanganga siya sa sinabi ko. At ngumisi.

"Wifey, prank ba 'to?" Lumingon siya sa paligid. "Siguro may camerang nakatago dito." Tumingin ako sa kanya.

"Hindi 'to prank, Adrian!" Napawi ang ngiti niya. "Naisip ko lang na, mas nakakabuting maghiwalay na tayo."

"Hihiwalayan mo ako kasi naisip mo lang?" Taas kilay niyang sabi. "Bakit? May iba kana ba kaya mo ako hihiwalayan?"

"Hindi, Adrian. Mali ang iniisip mo. Wala akong iba." Kunot noo kong sabi.

"Then what's the reason, Treah!" Pagpigil niyang sigaw.

"Kasi nahihirapan na ako." Biglang tumulo ang luha sa mga pisngi ko.

"Saan ka nahihirapan? Pwede naman nating e-settle 'yun, Treah. Hindi 'yung basta-basta ka nalang makipaghiwalay sa'kin. Sawa kana ba sa'kin? May pagkakamali ba ako? Pwede ko namang baguhin 'yun." Aniya.

"Alam mo ba kung saan ako nahihirapan, Adrian? Nasasaktan ako kasi ikakasal kana sa iba! Alam mo naman 'yun diba? Kaya nagawa kong iwasan ka dahil akala ko na 'yun ang makakabuti sa'tin. Kaya sabihin mo, may magagawa kapa ba? Kasi kahit ipilit natin ang sarili natin, masasaktan at masasaktan parin tayo." Nagulat siya sa sinabi ko. At hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Treah. Pwede ko namang tanggihan 'yun. Ikaw 'yung mahal ko at hindi siya. Please! Gagawin ko ang lahat hindi ka lang mawala sa buhay ko." Pagmamakaawa niya.

"Hindi ganu'n kadali ang sinasabi mo, Adrian. Sa tingin mo, papayagan ka ng mga magulang mo kapag tatanggihan mo? Adrian, 'Wag kang maging selfish dahil lang sa'kin."

"May iba pang paraan, Treah." Umiling ako.

"Wala ng ibang paraan, Adrian. Tanggapin nalang natin na hindi tayo para sa isa't-isa. Siguro naman, maniniwala ka parin sa pag-ibig diba? kahit... hindi na ako 'yung babaeng magpapasaya sa'yo." Kitang-kita ko sa mga mata ang pamumuo ng luha niya. Umiwas siya ng tingin sa'kin.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon