Chapter 32

30 12 5
                                    

Chapter 32

TREAH'S POV

Magdamag akong nag-ayos ng mga gamit ko sa maleta dahil bukas na ang flight namin papuntang Pilipinas. At the same time, ginagawa ko rin ang presentation na kailangan ni Lukariah.

Nagdadalawang-isip pa ako kung sasama ba talaga ako sa kanya. Ayos lang naman saakin na marami siyang ipapagawa saakin pero natakot lang ako na baka kapag makapunta na kami ng Pilipinas, babalik lahat 'yung nakaraan ko. Matagal ko na 'yung kinalimutan maliban sa mga taong nagmamahal saakin nu'ng una.

Pinasa ko lahat kay Yesha ang mga documents na kailangan niyang matutunan at gagawin habang wala ako dito sa Paris. Medyo matagalan din daw kami sa Pinas dahil kailangan pang kombinsihin ang kompanya para sa product na eexport namin doon.

Business is business kaya kahit labag sa kalooban kong pumunta du'n, gagawin ko para hindi rin mawala ang tiwala ni Lukariah saakin bilang business partner niya.

"Have you made the presentation, yet?" Tumango ako.

"Yes, I'm almost done." Nginitian ko siya. At ipinakita sa kanya.

"Really? How does it feel?" Tanong niya. Huminga naman ako ng malalim bago siya sinagot.

"As usual. I was very nervous, but I hope everything's fine." Ngumuso ako.

"I trust you, Eya. So I know you can." Ngiti niyang sabi. "Can I see?" Tanong siya.

"Oh sure! Check, to see if my work is correct." Ani ko at binigay sa kanya ang laptop. Lumapit siya saakin at kinuha 'yung laptop para tingnan ang ginawa ko.

Habang abala siya sa pagtingin ng ginawa ko, medyo kabado ako. Baka kasi hindi tama ang ginawa kong presentation. Mahirap na baka palpak ito bukas. It's not my first time to do this for him but when he actually ordered me to work, I was nervous. Very nervous!

Hindi ako mapakali kung anong magiging reaksyon niya. And at the same time, hindi rin ako makagalaw sa kinauupuan ko  nang dahan-dahan siyang tumingin saakin ng seryoso. Sana lang talaga hindi siya magagalit kapag mali 'yun pero sure naman ako na tama rin 'yun.

"Nice! You are so creative, Eya! I like it." Ngumisi siya. Napabuntong hininga naman ako. Akala ko magagalit siya hindi naman pala. "I'm sure, maganda ang kalalabasan nito dahil maganda rin ang gawa mo. " Puri niya saakin.

"Thanks for the things that you said about me, Lukariah. It is really hearthwarming." Nginitian ko siya.

"Of course, Eya! Kahit kailan hindi mo pa talaga ako binigo. Kaya I admire you." Kumindat pa siya pagkatapos. Nginitian ko nalang siya.

"Uhmm... Everything's okay and I think it's all ready. Maybe, I gotta go now. Pupuntahan ko pa si Mommy, eh." Dagdag niya.

"Sure! Para makapagpahinga ka narin." Tumango siya.

"Yeah, you're right. See you tomorrow." Tumayo kaming dalawa at hinatid siya sa labas ng condo ko.

Habang nasa likuran niya ako, pinagmamasdan ko siyang naglalakad patungong pintuan. Bigla lang kasing sumagi sa isipan ko na maraming nagkakagustong babae sa kanya pero niisa wala siyang pinansin. I can say that he's really the guy na pinagkakaaliwan ng mga babae kasi aside sa pagiging Gwapo niya, he's also a gentleman. At dagdag points din sa kanya ang pagiging hard working. Hindi naman din siguro reason 'yung pagiging busy niya dahil may iba namang mga businessman na katulad niya pero may oras pa rin sa sarili.

Ang weird na natanong ko 'yan sa isipan ko pero sarili ko hindi ko natanong kung ano ba talaga ang status ko sa buhay. Hayy! Problema talaga sa mga tao, masyadong pakialamera sa ibang buhay pero sariling buhay hindi alam.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon