Chapter 11

52 33 8
                                    

Chapter 11

Maaga akong gumising dahil alas otso ang flight namin papuntang Cebu. Si yaya narin ang naghanda lahat ng gamit sa maleta ko kagabi. Marami-rami din ang nilagay niya dahil one week kaming mag stay doon kasi nga Camping.

"Ayos na lahat, Trei." Sabi ni yaya habang nilapag ang maleta sa kama ko.

"Thank you, Yaya. Dapat kasi ako nalang nag-handa niyan kagabi eh. Para di kana mahirapan." Ngumuso ako.

"Ano kaba! Basic lang to no!" Pinakita niya ang muscle sa braso niya. Kaya napatawa naman ako. "Dalian mo na. Baka malate ka sa flight mo." Tumango ako sa sinabi ni yaya at kinuha ang maleta na nasa kama.

Bumaba kaagad kami ni yaya para makapaalam na ako kay Lolo. Sila mama at papa kasi bumalik na sa Davao kasi naman para dun' sa farm.

"Lolo, aalis na ho ako." Niyakap ko si Lolo ng mahigpit dahil mamimiss ko siya. Kasi isang linggo akong mawawala dito sa bahay. Kaya tatawagan ko nalang siya mamaya.

"Oh, Apo. Mag-iingat ka dun'." Aniya at hinalikan ako sa noo.

"Kayo rin, Lo. Tsaka yaya, alagaan mo si Lolo dito ha." Nag tumbs naman si yaya sa sinabi ko.

Kumalas na ako sa pagyakap kay Lolo nang may biglang bumusina na sasakyan sa labas. Lumabas naman ako kaagad para makita. Baka kasi sina Ghlyzel yun. Kasi tumawag siya kagabi sakin na sabay kaming pupunta sa Airport. At tama nga ang hinala ko na sila yun. Nakasandal si Francis sa sasakyan na nakasuot ng shades habang nasa loob naman ng kotse si Ghlyzel at kumakaway sakin. Pagdating ko, ay kinuha kaagad ng driver nila ang maleta ko para ilagay sa likod ng sasakyan.

"Good morning, Ms. Beautiful." Bati ni Francis sabay kindat sakin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.

Binuksan niya agad ang pinto sa kotse. At tsaka ako pumasok. Sinalubong naman kaagad ako ng yakap ni Ghlyzel.

"I'm so excited, Treah! First time kong makasama ka sa Camping, eh." Tuwang sabi ni Ghlyzel.

"Ako rin. Sigurado akong masusulit natin ang one week na yun. Kaya lang, di natin kasama si Kleiyo." Lungkot kong sabi.

"Hay naku! Hayaan mo na, mag-eenjoy naman yun kasi kasama niya si Adam sa Batangas!" Napatawa kaming dalawa.

"Girls, dalian na natin. Kanina pa tayo hinihintay nila Jorren at yung ibang mga kagrupo natin." Sabi ni Francis at sabay na pinakita ang cellphone niya dahil tumawag si Jorren.

"Alright!" Ani Ghlyzel. At agad pinaharurot ng driver nila ang kotse.

Mabilis kaming nakarating sa Airport at andun nga sila Jorren at Cath na nakahintay samin. At yung ibang kagrupo na sa Cebu rin ang location ng Camping.

"Ang tagal niyo! Anong oras na oh!" Reklamo ni Cath sabay tingin sa wristwatch niya. Hindi nalang namin siya pinansin.

"Hi pinsan!" Bati ni Ghlyzel kay Jorren at niyakap ito. Nag high five naman sila ni Francis.

"Hi Jorren." Bati ko kaya kumalas si Ghlyzel sa pagyakap sa kanya. Ngumiti lang siya sakin at tumango.

Bigla namang nagsitilian ang mga babae nang biglang may lumabas na lalake sa kararating lang na kotse. Napalingon naman kaming lahat nang si Adrian ang lalakeng 'yun.

Tinanggal niya ang suot niyang shades at lumakad papunta samin habang sinusundan siya ng tingin ng mga babae sa paligid. Ang gwapo niya. Nakakatunaw.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa kakatitig sa kanya. Napalunok ako dahil palapit ng palapit na siya sa kinatatayuan ko nang bigla siyang sinalubong ni Cath at niyakap. Nagulat naman si Adrian at pinilit niyang tanggalin ang mga braso na nakakapit sa kanya.

Undeniable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon