Chapter 4

3K 129 54
                                    

Chapter 4

Failed

   

"Just four cities away? Naririnig mo ba ang sarili mo, Mich?" si Natasha sa screen nang nakapag-video call na.

"Four is less than five, Nat," I stated as if it's an essential-to-completeness information to add.

Eksaherada siyang tumawa... halos nababaliw na. Napabuntong-hininga ako.

"Ang layo pa rin! Ang laki ng mga syudad sa pagitan natin!" simangot niya nang tumigil na sa sarkastikong tawa.

"Tss." I just scoffed and glanced at the traffic.

Kung sa bagay, tama nga naman iyon. Magdadalawang oras na kami sa kalsada. Kahit gumamit ng express way ay mabigat pa rin ang trapiko. Kaya naman bukod sa malalaki ang syudad na nasa pagitan ng lumang bahay namin at sa bagong lilipatan, para bang ang layo-layo pa rin talaga dahil sobrang traffic.

"May housewarming pa ba o tapos na?" tanong niya.

Bumaba ulit ang tingin ko sa phone ko. I creased my forehead. Hindi ko kasi alam.

Pagkaangat ng ulo, napansin kong nakasilip si Mommy mula sa harapan. Base sa ngiti niya, mukhang narinig niya ang tanong ni Natasha. Kaya naman, hinarap ko doon ang screen. Agad kumaway si Mommy sa kaibigan.

"Tita Sandy!"

"Hi, Natasha. Sa Monday ang housewarming. Punta kayong mga kaibigan ni Mich."

"Ay, naku, Tita! Sure na sure 'yan! Gamitin na lang namin chopper nila Emman kapag bibisita kami," rinig kong sagot ni Nat sabay tawa.

Kung tahimik na ako kanina, mas nawala pa ata ako sa hulog ngayon. Now that she's mentioned his name, I suddenly recalled our call convo earlier.

Napaiwas ako ng tingin kahit alam kong hindi naman iyon mapapansin ni Nat. Alam niya kaya? Hindi imposible. Pero... parang mas madaling paniwalaan na kinimkim nga iyon ni Emmanuel sa sarili.

Huh. I could only imagine him puking his lungs out for being vocal with his feelings for me to other people. Yes, he's bisexual. Open for both men and women. But all this time, it's engraved on my mind that we're impossible to be an item because... we're friends. Na hindi kami talo. Wala akong pag-asa! Tapos...

"Ikaw talaga, Natasha. Pwede namang magpadala na lang kami ng van sa boundary at doon na lang kayo susunduin."

"Joke lang naman po! Nakakatakot sa chopper," pagak na tawa ni Nat. "Sabihan ko po mga kaibigan namin tungkol sa invitation, Tita. Then refer ko kay Mich ang mga makakapunta."

"Alright. That'll do," Mom said with finality.

Binalik ko na ulit sa akin ang screen pagkatapos at tinaasan ng kilay ang kaibigan. Mukhang tagumpay ang loka-loka.

"Count me and Emman in! Matik na 'yan!" aniya.

I flinched a bit. And I hoped she didn't notice. Mariin akong napapikit saglit at tumango na lang. Hindi ko maiwasang sisihin si Emman dahil sa disposisyon ko ngayon. Hindi maalis sa isip ko! Pero imbes na kilabutan, parang...

Napalunok ako at iniling na lang ang mga bumabagabag na ideya.

Malaki na ang mansiyon ng mga Maddison na nilisan namin. Ang alam ko, ibebenta na iyon. Pwede pa sanang asset. Sayang din ang sentimental value pero mukhang para sa kanila ay ari-arian lang iyon.

Engineer si Daddy. Samantalang business consultant naman si Mommy ng ilang malalaking kompanya. Her service is being outsourced. Parehong matagal na sa kanya-kanyang industriya na kinabibilangan pareho. At kung ikukumpara sa iba, desente at propesyunal na ang mga trabaho nito. Plus, the high position they attained for being loyal to their bosses and employers.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon