Chapter 30

2.1K 105 44
                                    

Chapter 30

Loser

Kinabukasan, baon ko ang gitarang regalo sa akin ni Klavier sa unang araw namin ng rehearsal. Nakatanggap iyon ng ilang ulit na papuri mula sa SoundCheque.

"Mahal nito, a! May ganto pa pala sa Pinas?"

"Wala na 'yan alam ko, e. Sinubukan kong hanapin dati."

"Saan mo nabili 'yan kung ganon, Mich? Penge naman ng deets."

Mula sa phone, napaahon ako saglit para pansinin silang apat.

"Regalo lang."

Faye looked amazed. "Sinong sugar daddy ang nabudol mo sa Cubao, Mich?"

"Raulo," wala sa sarili kong sagot bago muling ibagsak ng tingin sa phone.

Philip:

Otw na kami ni Maestro.

Saktong magtitipa na sana ako ng reply kaso lang bumukas na ang pinto ng practice room ni Maestro Gibs at niluwa silang dalawa ni Philip.

Nagsalubong ang tingin namin ng huli. Tipid lang itong ngumiti bago pa tignan din ang iba pang kasama ko. Pansin kong ilalagay niya pa lang ang phone niya sa bulsa nang ilapag ang bag sa storage area.

"Hello hooray, superstars!" si Maestro Gibs na mukhang maganda ang timpla ngayong araw.

"Hello hooray, Maestro Gibs!" sabay-sabay naman na tugon namin. Nga lang, sadyang nakisabay lang ako kaya napuna iyon ni Maestro.

"That's one thing we should work on with, Michaela," he said with a playful warn.

"Sorry po."

Napailing na lang ito at nakangiting sinuyod ng tingin ang paligid. "It's nice to see you have the initiatives to set all up without my order. Buti at ginawa ninyo iyan dahil kung hindi, makakatanggap kayo ng sermon."

"E, iyon na nga, Maestro, e. Alam ko na 'yan kaya takot na lang namin," tawa ni Cruz habang inaayos ang capo ng gitara niya.

Hindi na rin naman nagpaligoy-ligoy pa ang lahat at agad na ring nilahad ni Maestro Gibs ang lahat ng rules and regulations niya sa pag-eensayo at iilang paalala. Pagkatapos magkalinawan sa aspetong iyon, pinakinggan na namin ang napili naming piyesa at kanya-kanya kami sa paglalahad ng personal na opinyon kung paano gagawing malikhain iyon.

Maestro then taught us some of his practice exercises when suddenly, we heard a commotion outside.

"Pakisilip nga kung ano iyon, Philip."

"Right away, Maestro."

Binuksan ni Philip ang pinto at saglit na lumabas. Pagkapasok, baon nito ang balitang hindi mahagilap si Bridgette Madrigal sa oras ng rehearsals nila. Halos isang oras na rin ang nakakalipas kaya nagtatanong-tanong na ang kanilang director.

"Nakakapanibago 'yan lalo na't laging on time ang batang 'yon," opinyon ni Maestro Gibs. "Hindi raw ba matawagan, Philip?"

"Hindi raw po. Out of service ang number."

"Ganoon ba? Sana at wala lang ito. Baka pa may dinaanan lang o may ibang inasikaso. Pero sana, nagpaalam sa MD niya."

Sumang-ayon doon sina Lancelot. Nakatigil ang lahat sa kanya-kanyang instrumento dahil isa sa pinakautos ni Maestro ay ang rehearsal etiquettes. And that includes no playing while someone's talking. Kaya kung magsasalita ka sa gitna ng rehearsals, siguraduhin lang na mahalaga dahil tititigan ka ng lahat kapag narinig ka.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon