Chapter 32

2.1K 102 43
                                    

Chapter 32

Verdict

Dumaan ang October kickoff at naging avenue rin iyon para i-showcase ang hinandang production ng mga EE.

Simpleng tugtog at jam lang naman. Bawal pa naming isiwalat ang set list na gaganapin sa concert kaya simple lang talaga.

October is this school year's month for Soul. Kung last month ay Pop, Soul naman ang nakahanay para sa buwan na ito.

Hindi na rin kami masyadong nakapag-participate sa kickoff party dahil kailangan na naming magseryoso sa rehearsals. Ilang araw na lang kasi at concert na.

Dahil masyado pa atang nalilibang ang SoundCheque sa mga kakilala at pinagkakaabalahan nila, wala na akong nagawa kundi ang sumabay kay Philip patungo sa studio.

Nakakahiya kasi kay Maestro kung dadating siya roon nang walang madadatnan at hindi pa maayos ang mga gamit. Magandang pagkakataon na rin iyon para magpakitang-gilas. Baka pa mamaya ay mataas ang merits ko sa araw na ito kapag nagkataon.

Pagkabukas ni Philip sa mga power switch, naging payapa naman ang pagse-setup namin. Tahimik lang ang paligid kaya hindi rin nagtagal nang natapos kami nang matiwasay.

Wala pa rin ang mga kasama namin kaya naupo na lang ako sa puwesto ko, matiyagang inaaral ang chords ko kahit kabisado na naman.

"Mabuti at dedicated ka sa ginagawa mo," si Philip.

Mula sa gitara, inangat ko ang tingin sa kanya habang abala pa rin ang mga daliri sa pisi.

"Takot ko na lang sa inyo. Gisado kami, e," biro ko na lang.

Ngumisi siya at napataas ang kilay ko nang nakitang sa harap ng keyboards niya balak pumwesto.

"You play that?" I asked curiously.

He maneuvered it and nodded. "Learning piano or keyboards is a vital skill a voice couch should possess," he then pressed random keys and glissando, before playing a very random funny piece called If I Had a Chicken.

Hindi ko na naiwasang hindi matawa nang dagdagan niya pa iyon ng kaonting groove. Mukha siyang tanga pero hindi mapagkakailang magaling talaga.

"Oh, edi ikaw na," gaya ko sa asar sa kanya dati ni Lancelot.

Alam niya ang ibig sabihin ko roon kaya napailing na lang siya sa akin.

"Any piece you want me to play?" he suddenly asked when he stopped playing.

"Wala bang bayad 'yan?" biro ko.

"Mahal ang talent fee ko pero sige, libre na lang sayo tutal crush naman kita."

Hindi ko alam kung kailan eksaktong lumakas ang loob nito sa akin pero sige, palalagpasin ko ito.

"Hmmm. Okay," I shrugged and started thinking of something.

However, now that I remembered it, if there is one thing I want to hear from piano, it would be that song. But will I be able to handle it?

Sumulyap ako kay Philip na mataman lang na naghihintay ng sagot ko. Kasabay ng pagkabog ng aking dibdib ay ang pagbanggit ko sa munting hiling ko.

"Can you play uhm... London Bridge for me?"

Siguro hindi niya inaasahan ang request na iyon. He looked a tad hesitant. Sino nga naman kasing matinong tao na sa dinami-rami ng ipapatugtog sa isang magaling na pianist, isang nursery rhyme pa?

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon