Chapter 38

2.1K 93 45
                                    

Chapter 38

Umbratonic (Part 1)

 

"Minervela?"

Pagkarinig doon, tumayo na ako na siyang pagsunod naman ng tingin sa akin ng ibang estudyante.

Nakaukit ang pagtataka sa mga hitsura nila, animo'y nakakita ng hindi maipaliwanag na elemento. I can't blame them tho.

Naningkit ang mga mata ng babaeng nag-a-usher. Napatigil siya sa pinto at pinasadahan ng tingin ang hitsura ko.

"Ano 'yan, Miss?" tanong niya, hindi na ata nakatiis.

I cleared my throat, preparing my rehearsed voice.

"This contest is for singers who ain't confident on stage, right? So I want to have a backstairs performance. Bawal ba ito?"

My lips twitched as I tried so hard to change my voice into a screechy one.

"Uh... pwede naman. Pero tanggalin mo na lang din pagkapasok. We need a raw shadow in case you passed," she retorted, stressing the phrase 'in case.'

Napangisi ako.

"Sige na nga. Sabi mo, e," I taunted in exchange before entering the room.

Katamtaman lang ang lawak ng audition room. But one thing's interesting about it is, it's dark. At imbes na nasa taas ang ilaw, nasa likod iyon. May nakatayong studio lights sa dulo at tanging tanglaw sa loob ng room habang may malaking kurtina naman sa harap, puti. Palagay ko, nasa likod noon ang mga judge.

"Wait, are you wearing a cap?" tanong ng isa sa mga nasa likod ng kurtina.

Humakbang na ako sa marka kung saan dapat tumayo para makuha ang perpektong anino ko mula sa pwesto nila.

"Yes. Sunglasses and mask, too," I answered, not to mention I'm wearing a hoodie as well.

"If it wasn't for your voice, I wouldn't know you're a girl. Kindly remove your accessories so we can start."

True enough, I'm almost wearing a disguise inspired by Klavier. Alam niya itong paandar ko dahil natuto na ako sa naging usapan namin kahapon. Pagkatapos ko rito, diretso na ako sa Neverland. Maghihintay raw siya doon.

Isa pa, hindi naman ako sigurado kung makakapasok ako rito. What are the odds that Rave Jackson's thinking I'd pass the audition? Masyado naman atang malaki ang tiwala niya sa kakayahan ko. Hindi ko pa mawari kung anong makukuha niya sa pagsali ko rito.

Pagkatanggal ko ng sumbrero, salamin, at mask, inayos ko ang pagkakalugay ng buhok ko na medyo humahaba na.

Hindi pambirit o pangtanghalan ang hinanda kong piyesa ngunit bumagsak ang mga balikat ko nang mukha atang nagustuhan pa iyon ng mga taong nasa likod, hula ko ay mga Maestro din.

"It's refreshing to hear a mellow song after a bunch of ear-splitting entries."

Napangiwi ako habang dinadampot isa-isa ang mga gamit ko, sinusuot na ang mga balabal. Hindi pa naman sila required magbigay ng mga komento ngayon pero hindi rin naman bawal maglahad ng opinyon.

"We're looking forward to your presence next week."

That's a good news, right? For someone who take an audition, maybe it is. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ano.

Inisip ko si Rave Jackson. Ano ba ang mas nakakabuti para sa akin? Ang ipanalo ito o ang isabotahe na lang? Thinking of his persistence and hardwork for persuading me is absolute. He managed to seamlessly convince me using his conditions against my freewill and it's like he's holding me by the neck. I am handcuffed as well.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon