Chapter 35

1.9K 99 72
                                    

Chapter 35

Concert (Part 2)

"Sorry talaga! Kamusta na siya? Nagamot na ba?" sunod sa akin ni Faye sa stock room para sana maglinis ng kalat doon pero tapos na pala.

Kinuha ko na lang ang phone at bumuga ng hangin. "Tumawag na ng medic si Maestro noong umalis ako."

"Pasensiya na talaga. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na may nakahara pala-"

"Sa kanya ka na lang mag-sorry mamaya, Achelois."

Her lips instantly twitched with that idea. "I'll try..."

Si Cruz na ang inaayusan sa mga oras na iyon. Ang tatlong lalaki ay mukha namang walang pakialam sa nangyari kaya patuloy lang sa paghahanda. Bumalik na rin sa ayos ang OMB dahil nagulat din sa nangyari kahit papaano.

Sakto namang nag-text si Natasha kaya sinundo ko na siya sa entrada ng backstage.

"I miss you, bruha!" agad niyang yakap sa akin pagkakita.

Niyakap ko rin siya pabalik at matamlay na tumawa.

She looked sexy yet smart casual in her black corset under a white blazer. It was paired with a highwaist ripped jeans, black belt, stilettos, and white gold necklace with a big dog tag pendant while her hair was up in a tight bun.

Tinawanan niya ako habang naglalakad na kami. Gumana na naman ang pagiging bulgar ng bibig.

"Oh? Bakit mukhang nabitin ka sa sex? Nakaabala ba ako?"

"Raulo, hindi," irap ko sa kanya.

"Aren't you excited? That's new!"

"Nagkaproblema lang."

Mukhang hindi na niya narinig pa ang sinabi ko nang may tinignan siya sa phone.

"Malapit na rin daw sila!" aniya.

Napangiti naman ako. Bigla-bigla rin ay umingay ang paligid nang umalingawngaw na sa buong venue AVP sa big screens.

They ran it to test the AVP composed of video compilation. From event documentation for the past years, loops of sponsors, Damgeen beneficiaries' testimonials, prep for this year's concert, to official AVP of Damgeen Legacies and Personalities.

Wala pang pinapapasok na mga audience sa mismong event place ng arena dahil may dalawang oras pa bago magsimula.

Rinig ko na ang hiyawan ng mga taga-Damgeen nang narinig na ang AVP testing kaya maging si Nat ay napapahampas na rin sa akin dahil excited na. Tapos 'yung hampas, naging kurot nang sa wakas, nakarating na kami sa dressing room namin.

Napalingon sina Lancelot, Nolan, Cruz, at iyong vocalist ng OBM. Lahat ay nakatutok sa bagong dating kong kaibigan na kinukurot na ako sa bewang ngayon.

"Namit gid," she whispered.

Naubo ako. Damn this playgirl.

Inabot niya muna sa akin ang ID pass niya nang hindi na mapakali kakalinis ng gamit sa vanity desk.

"Ang dami kasing hawak," irap ko.

Inirapan niya rin ako pabalik. "Pahawak muna. Baka makalimutan ko mamaya, a!"

Pumuwesto na ako sa upuan since ako na lang ang hindi pa nakakapag-ayos sa aming lima. Nilalatag na ni Nat ang mga gamit niya nang dumalo sa amin si Faye.

I looked at her through the mirror when she held out her hand to Natasha.

"Hi! Ikaw 'yung stylist ni Mich?"

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon