Chapter 31

2.1K 114 61
                                    

Chapter 31

Boys

It's Saturday and we were ordered to go to school for our last rehearsal of September.

Next week na ang October kickoff kaya naman nilubos na ang araw ng September para i-monitor ang progress and improvements ng mga EE.

At dahil hindi sanay ang body clock ko tuwing Sabado, bangag akong nagising. Idagdag pa na dumalaw na naman ang mga bangungot. Binagsak ko ang aking mukha sa mga palad para mahimasmasan pagkagising. Then after a while, I reached for my tickler.

Strange Things That Fuck Me:

[ ] Pianist nightmare

[ ] Woman origin nightmare

[ ] Nursery rhyme and piano (London Bridge)

[ ] Sudden loss of consciousness when triggered (What's triggering it?)

[ ] Rave Jackson: Prolly person from my past (?) Also played London Bridge

[ ] Creepy stalker at Damgeen

[ ] Parents' suggestion to visit a psychiatrist

[ ] Parents' mysterious visitor

[ ] Four girls from my class suffered a traumatic experience

Mere Theories:

1. I can't remember anything from my childhood memories. What are the odds I lost my memory? Amnesia?

2. These things may be connected to my past. If no. 1 is true.

3. Those nightmares may not be dreams. Those may be memories.

"Taking notes of these is one of the strange things fucking me," I hissed to myself before getting up from my bed, hurling the tickler to my nigtstand.

I was never an organized person my whole life. Just now. And that's because of these weird things happening to me.

Ten ang meeting time namin sa Damgeen. Kaya nine pa lang, nakababa na ako at handa nang umalis. Hindi ko na nakasalubong pa sina Mom at Dad dahil mukhang nasa study. Ngunit hindi nakalagpas sa pandinig ko ang iilang chismisan ng kasambahay.

"Napapadalas 'yung bisita nila Ma'am, a? Sino ba 'yon?"

"Sa pagkakaalam ko, doktor ata, e. Baka isa sa family doctor ng Maddison?"

"May sakit ba sina Sir?"

I was bothered by that. The mysterious man is here again?

Tinanaw ko ang ikalawang palapag kung nasaan banda ang study room ng mga magulang hanggang sa tuluyan nang nakalabas para sumakay sa kotse.

Sa pagkakaalam ko, nag-chat na sina Cruz na nasa school na sila. Siguro excited mag-set up o ano.

May bali-balita rin na mag-iinspect ang mga higher ups sa bawat Ensemble at Exclusive kaya siguro pressured din sila na gawing perpekto ang lahat para ngayong araw.

Pagkarating ko naman sa Damgeen, pinagkakaguluhan ang isang drummer na nag-e-exhibition sa gitna ng quadrangle. Mukhang taga-Exclusive ata at sikat sa percussion department.

Killer drummer. Parang Matt McGuire ang estilo at datingan kaya medyo naaliw ako nang saglit sa paglalakad. Nasa platform kasi kaya kahit malayo, tanaw na tanaw. Kahit ang ibang EE na wala pang ginagawa, nanunuod at nalilibang din.

"Ilang BPM kaya kaya nyan?"

"Gago parang 'di ko na nakikitang tumatama 'yung sticks sa drums! Halimaw!"

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon