Chapter 44

2.5K 113 100
                                    

Chapter 44

Best Friend

 

Sa sobrang pagkagulat, halos lundagin ko na ang kabilang sulok ng couch makawala lang kay Jackson. I struggled a lot because the moron just couldn't let me go!

Hindi pa nakatulong na mukhang masama rin ang timpla ngayon ng lalaking huling pumasok. Agad ding inalis sa amin ang tingin at sinuri ang buong studio, wala man lang reaksiyon sa nasaksihan.

I bit my lower lip and pressed my hands. I don't know if I should be glad that he didn't look like someone affected by that or not. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hiyang-hiya para sa sarili.

Palihim ko siyang sinilip habang nakapamulsa lang siya na nililibot ang tingin sa buong lugar. Kung bakit Klavier ang unang lumabas sa isip ko imbes na Emman ay dahil hanggang ngayon, may takip pa rin ang mukha tulad ng dati.

I pursed my lips and tore my eyes off him when he attempted to glance our way again. What's the point of his disguise? Does he think I'm not still aware that he's Emman?

Ilang sandali pa ay tumayo na rin si Rave Jackson upang basagin ang nakakabinging katahimikan. Sinundan ko siya ng tingin. Wala nang bakas ng kung anong emosyon sa mukha at naglakad na papalapit sa iba pa.

"Would you like us to throw a welcome party?" Lumutang ang sarkasmo sa tinig nito.

Nagtiim ang bagang ko, ramdam pa rin ang higpit ng kapit niya sa akin kanina na para bang ayaw talaga akong pakawalan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at ginawa iyon!

Shortly, I heard Emman chuckled without humor.

"That's more than enough for a surprise welcome. Let's start."

Kung may kinakain lang ako, malamang kanina pa ako nabulunan. Kulang na lang ay magkasugat na ang labi ko sa diin ng pagkakagat ko roon. What did he mean by that?

Bukod pa roon, pansin ko rin ang pagbabago sa kanyang boses. It doesn't sound throaty and strained anymore like before. It's more like... Emman's voice whenever he's manly back then. The voice that never failed to dazzle me. A voice that I could listen to forever.

That reality struck me. He really is Emman. And that voice was probably the true one. I almost forgot how mastered he was when it comes to voice shifting. He seamlessly used it, too, to deceive me, huh? What a good strategy.

Nakaramdam ako tuloy ng kirot sa sistema bago pa man tuluyang makatayo at daluhan sila. Tahimik lang ako sa sulok at hindi man lang makaangat ng tingin. Bumigat ang pakiramdam ko at unti-unting nawawalan ng gana para dito.

Parang... gusto ko na lang umuwi. Ang sikip bigla ng studio. Hindi ako makahinga nang maayos.

"Tell me about your initial plans first," Klavier ordered professionally.

Hindi man nakatingin, para pa rin akong nilalagutan ng hininga sa bawat salita niya. It's been a month and seeing him today after those life-changing events astonished me.

Pagdaan ng mga nangyari, para bang nabalik kami sa umpisa at hindi man lang malapitan. Pero bakit nga ba ako ang nakakaramdam ng ganito? Siya ang nanloko at nagtago sa akin ng mga katotohanan kaya dapat siya ang mahiya!

So what if he caught me inside Rave Jackson's arms? It's not as if I cheated because in the first place, there's never been us! Pero siya, simula't sapul ay niloloko ako. Ni wala pa akong natatanggap na paliwanag at naniniwala akong karapatan ko iyon!

By that, my perspective rapidly deviated. I was the victim so I shouldn't act like I was the traitor or culprit. Iyon ang tinatak ko sa utak hanggang sa ilahad na niya ang mga panuntunan at mga gusto niyang mangyari sa tatlong linggong ensayo namin.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon