Chapter 9

2.3K 95 80
                                    

Chapter 9

Dangerous Woman

  

Adjustment period pa sa buong linggo.

Wala pang memo na pwede nang magpagawa ng kahit anong activity na mayroong merits. Kaya ang lahat ng nandito ay tanging commemoration pa lang sa pagdidiwang ng unang araw ng klase.

Sa buong flashmob ata ay tulala lang ako. Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari. Tumugtog pa sila ng isang kanta dahil na rin hiling ng mga junior high at ilang senior high na hindi nakalahok.

Sa totoo lang, lumayo na ako kanina pa. Nasa isang puno lang ako at nakahilig doon, nakatiklop ang mga braso habang nakatulala lang sa tanawing iyon.

"Welcome to Damgeen High School Musical!" sabay-sabay na sigaw ng mga kalahok at nag-instrumentals nang saglit bago muling tumindig sa kani-kanilang mga tayo. "Kaharayan Para Kamalayan! Halayin ang Haraya! Para Musikang Malaya!"

I gasped when the students began chanting the band's advocacy in music. Tumuwid ako sa pagkakatayo. Dahil sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na nakasaksi ako ng ganito katatag na adbokasiya ng isang banda nang malapitan.

By the looks of it, it looks like... Kaharayan is not just a band. But they are... something.

Nagsitalon ang mga estudyante kalaunan nang ihudyat na ang tuluyang pagtatapos ng pagtatanghal. They shouted and raised their hands victoriously. Ang mga nanuod ay nagsipalakpakan na rin. Ang iba'y lumapit sa mga tumugtog para batiin.

My eyes were darted at Dante who's now surrounded by many students. Bakas sa hitsura nito ang tuwa sa tagumpay ng kanilang grupo. Maraming lumalapit at pumupuri dahil sa ginawang palabas. The four other familiar guys, who I supposed were part of Kaharayan based on their recognition at the assembly earlier, hurried together and lifted Dante.

The latter laughed and cursed them, especially when they threw him to the air and landed on the ground. Sa pag-aakalang lalagapak ang katawan sa semento, napatikhim ako. Ngunit mukhang inasahan na naman iyon kaya maayos na bumagsak pagkahagis.

Namilog ang mga mata ko.

"They're crazy!" I winced.

Mas lalo silang dinumog ng mga tao. Dante went towards the bongo boy and backslapped him.

They laughed at each other. He looked like a very friendly guy, almost the eye candy of the crowd. Para bang nais paluguran ng kahit nino. Kaya naman nang nagsimula nang marehistro ng isip ang buong pangyayari, napailing na lang ako.

I don't know what to feel about this whole setup. What are the odds, Mich? You're being accommodated by the Maestro of the Year this whole time. Should I be honored or alarmed? Dapat ba akong mahiya at magpakumbaba dahil sa naging trato kanina?

Marami pa silang kinamayang musikerong nakilahok sa kanila. He seemed like a gadabout, going erratic to greet and thank everyone who participated. I even heard someone initiated a party later and most of them agreed. So I think it was already a party. Ipinagkibit ko iyon ng balikat.

Sa sobrang bagot ko siguro, naging pamilyar na rin ako kahit papaano kung sino-sino ang malalapit sa kanila. Kanina pa kasi ako dito sa malayo, nakuntento lang sa pagtanaw. At mayamaya pa, bumaling si Dante sa paligid na tila ba may hinahanap.

Ayoko namang pangunahan pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa paraan niya ng pagsuyod sa mga tao. Nakalagpas na kasi sa iilang lipon, mukhang hindi pa rin nakikita ang kataguan.

I don't want to assume but I think it has something to do with me. Tumikhim ako.

Dahil doon, napagpasyahan kong umalis na sa may puno. Ngunit nahuli ata ako nang ilang segundo sa plano dahil bago pa man makaahon sa pagkakasandal, natanaw na ako nito at kinawayan.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon