Chapter 55

3.5K 102 73
                                    

Chapter 55

Te Recuerdo

  

"I'll bring Bria with me. My one and only single daughter," may halong pagtatampong paalam ni Mama.

Dramatically, I threw my head back before pecking on her cheek. Sumunod naman si Bridgette sa paghalik kay Mama habang maasim pa rin ang mukha, pangit agad ang timpla umagang-umaga pa lang. Well, tingin ko alam ko na ang rason kung bakit.

Tumingin na lang ulit ako sa ina.

"I can go with you, Ma. Pwede ko namang sabihan si Emman na sumunod na lang sa kotse natin. He'll understand."

"Me, too. I can't stomach that jackass face," Bridge grumbled.

Not expecting a shower of prattles, Mama's mouth went round as she shook her head perplexingly.

"Oh, come on! I'm just joking around, you girls. Bria and I will be fine on the way to Damgeen. You go ahead with your dates!"

Dates? Napangisi ako sabay tanaw sa papalapit na si Emman. Kabababa lang ng sasakyan at pansin kong medyo abala sa kung anong tinitignan sa phone.

"Nice. That scumbag doesn't have any plans to fetch me here? I can't understand him the past few days, Mich!" bayolente nang reklamo ni Bridgette. "I've decided. I'll go with you, Mom!"

Mula sa tabi ng sasakyan ni Emman, sinilip ko si Rave na nakasandal lang sa sarili niyang kotse habang tuwid lang ang tingin patungo sa amin. Tulad ng sabi ni Bridgette, mukhang wala nga talagang balak lumapit at bumati man lang.

Natawa ako. Paano, alam ko kasi kung anong pakulo ng lalaking iyon sa kapatid ko.

Akmang magmamartsa na papuntang sasakyan ang nag-iinarteng babae nang harangan ko ito. Sa likod ko, ramdam ko na rin ang tuluyang paglapit ni Emman ngunit hindi ko pa mapagtuonan ng pansin dahil may kailangan pang asikasuhin. Buti na lang mukhang nakaramdam kaya kay Mama at Bria muna bumati.

"Huwag ka nang maarte. Pag-usapan niyo na lang sa kotse 'yang problema niyo. Unang araw ng semester, para kayong mga bata."

She spat a exasperated sneer. "Ako pa talaga? Siya ang parang batang bigla na lang hindi namamansin! So immature! I'm so fed up!"

Mayamaya, kapuwa kami napalingon sa bandang likuran dahil dinig namin ang pagbagsak ng pinto sa sasakyan ni Rave at ilang sandali pa, nabuhay na ang makina at tumulak na paalis nang wala man lang paalam.

"See?! Shame on him!" galit na galit na asik ng kapatid at mabibigat ang paang nauna na sa kotse nila Mama.

Nagkatinginan kaming mga naiwan. Si Mama, may babala na ang mga tingin.

"Are you sure about this, honey? Aren't we just beating a dead horse by doing this?"

"Let's just trust the process, Ma. Right?" lingon ko kay Emman.

Like an instinct, he bent his body so I could reach his face. I gave him a peck on his cheek before shifting my face sideways for his kiss, too.

"Yeah," he answered surprisingly cold after kissing me.

Nanliit ang mga mata ko. Magtatanong pa sana ako kung anong problema ngunit nalipat agad ang atensiyon namin kay Bria na nakatakip na ang mga mata ngayon.

"Get a room!" asik niya.

Napanguso na lang ako. Inilingan kami ni Mama ngunit may mapanukso na ring ngiti sa mga labi.

"We'll head out first, anak. And Manuel, drive safely."

"Definitely, Tita. Take care on your way, too," ani Emman sabay beso kay Mama bilang paalam.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon