Chapter 22

1.9K 98 36
                                    

Chapter 22

Sana

  

"Ang galing niyo po!"

"Congrats, bro!"

"Perfect couple, a? Pwede na. 'Wag lang pakantahin!"

"Pa-picture po, Ate Mich!"

Pilit akong ngumiti sa lahat ng mga bumabati, tahimik lang habang nasa tabi ni Rave na inaalalayan ako sa mga tao.

"This way, Rave, Michaela."

Tumango ako at umiwas ng tingin sa Vice President ng SOLMA na si Remy. Hindi man siya madalas nakakasama noon sa mga lunch break, nakasalamuha ko na rin siya sa iilang get together ng Kaharayan kaya ramdam na ramdam ko ang hiya.

Aware ako na hindi ko dapat iyon nararamdaman dahil una sa lahat, alam kong malinis ang konsensiya ko at wala akong kasalanan. Pero dahil alam kong nadungisan na ang reputasyon ko sa mga kaibigan nila, hindi ko pa rin maiwasang hindi mailang.

"Still mad?" Rave asked while we're walking.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang nang diretso sa nilalakaran.

Papunta kami ngayon sa executive building. Nakagawian na tuwing may monthly kickoff ay pinaparangalan daw ng President.

Not totally with crowns and medals, mayroon lang token of recognition na ibibigay, 'yun ang sabi-sabi.

Meron na kaming nakuhang sash at tropeyo na parehong dala ni Rave ngayon dahil kanina pa ako balisa. Hindi ko man lang mahawakan iyon nang maayos kaya nagpresinta na siyang magdala noon pareho.

"That's just a kiss for Pete's sake!" mukhang pikon nang pagrarason ni Rave Jackson.

Napalingon sa amin ang ilang entourage pati na rin ang Vice President ng SOLMA. Ako pa ang nahiya para sa ginawa ni Rave dahil parang wala lang iyon sa kanya, nakatingin lang sa akin, halos unahan na ako sa paglalakad para matapunan ko ng tingin.

I rolled my eyes at him when our escorts continued walking. "Pinapalala mo lang ang lahat, Jackson. Bawiin mo na ang pagpapakalat mong girlfriend mo ako!"

He guarded a scowl on his face. "Wala akong pinapakalat na ganyan, Maddison."

"But you're not denying it as well! You're letting them think of worldly things about us!"

"Hindi mo rin naman dineny, ha? Anong pinagkaiba kung tinatawanan ko lang iyon sa pananahimik mo?"

Umawang ang mga labi ko. "I denied! Pero ikaw sa mga kaibigan mo, hindi mo manlang tinanggi!"

He laughed without humor. "You denied? When?"

Hindi siya naniniwala. Napatiim ako ng labi.

"Kay Klavier!"

Kumunot ang noo niya. "So you're talking to that guy?"

"So?"

"Until now?"

Napairap na naman ako. "Malamang!"

"No, I mean." He licked his lips and smirked unbelievingly. Napailing siya. "Nevermind."

Nilagpasan na niya ako at nauna nang maglakad. Halos malaglag naman ang panga ko habang pinagmamasdan ang likod niyang palayo nang palayo sa akin.

I checked the time and it's already past three o'clock in the afternoon. Kahit malayo ay tinanaw ko ang gusali kung saan naroroon ang Room of Phantom.

I sighed before following them. What are the odds that Klavier would wait to see me there? At bakit naman niya ako hihintayin? Why would he want my explanation in the first place?

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon