Chapter 15

2.1K 95 14
                                    

Chapter 15

Memorabilia

  

The next music class was about classical music in Mozart's. Dahil lutang pa rin sa mga nangyari, parang dumadaan na lang sa hangin ang mga sinasabi ng Maestro. In the end, I only got an additional three points for my plarameter.

Panay pang-aasar ang natamo ko nang palabas na ng silid. Wala naman akong balak na pansinin ang mga iyon. Tanging nasa isip ko na lang ay ang pag-uwi at kung paano itatago ang masaklap kong braso.

Should I cover it with my crossbody bag? Maaga pa naman at wala pang dapit-hapon. Pero kasi nitong mga nakaraan, napapadalas ang pag-uwi nila nang maaga galing trabaho. Si Hilary naman ay mayamaya pa. Pero kung makikita, paniguradong isusumbong ako.

I tsk-ed. Kung hindi ba naman lapitin ng disgrasya! Kairita. Paano pa mamayang dinner? Mahigpit na patakaran sa mansiyon na laging sabay-sabay sa hapunan. How could I eat without them noticing my bandage? Should I remove it for a while? My goodness!

Dahil nasa ikalawang palapag ng gusali, hindi ko masyadong iniisip kung ano ang kaguluhan sa baba. There's a small commotion. Nakapalibot sa malayong parte ang mga estudyante ngunit ang tanaw, nasa bukana ng gusali.

I excused myself. They're too enticed about something that they didn't notice it was the hideous Michaela Singh who passed them by.

I silently thanked the reason of the crowd's unknown entertainment. But damn, it was short-lived. I was peacefully walking by the corner when a girl shrilled loudly.

"Tingin naman kasi, PRIMO!"

Halos matapilok ako dahil sa nabanggit na banda. They're here?!

Agad-agad kong hinanap ang kinaroroonan ng banda.

Now it makes sense. Ang tanawing nasa hamba ng gusali ay ang magkakabandang iyon. Abala sa pag-uusap ngunit nang nalingat ang tingin ng pianist dahil sa sumigaw, nahagip ang gawi ko at may binanggit sa mga kasama. Dahil doon, nagsilingun silang apat sa bahaging ito.

Binilisan ko ang paglalakad doon kasabay ng pagmartsa ni Rave Jackson sa dulong bahagi ng dinadaanan ko para sumalubong.

I groaned inwardly. Ang kaninang pinasasalamatan na dahilan ng kaguluhang ito ay kinasusuklaman ko na agad ngayon! Lalo na at mukhang tama ang hinala kong ako nga ang pakay ng mga tukmol na 'to ngayong nakaabang na sa dulo ng sidewalk na tinatalunton ko.

Darn. It's either I climb to the barriers on my sides, go back, or go meet them. Tinanaw ko silang naghihintay sa paglapit ko.

I glared at them, especially at Rave Jackson. Tumalikod ako at napagpasyahan nang bumalik na lang at sa kabila na dadaan. But to my surprise, it was blocked by the swarm of rubbernecks, looking very antsy to break my bones in case I join them there.

"Maddison!" the evil now spoke.

Napatingala ako at wala nang nagawa kundi ang bumalik sa direksiyon kung nasaan sila. Napatigil si Rave nang makitang ako na mismo ang lumalapit.

I almost stomped my feet for every step I made. Nakakapagtaka na wala sa bokabularyo nila ang privacy at lowkeyness. Bagay na kahit papaano'y nirerespeto sa akin ng Kaharayan!

Damn this Virtuosos and that Genius! Why am I suddenly involve with the Triad again?

Ah. Because my life's a fucking TV series.

"Hey! Sorry kung pinilit namin itong si Rave na isama kami. We just want to introduce ourselves!" bungad sa akin noong bokalista na may nakakairitang ngising nakapaskil sa mukha.

Damgeen High School Musical (Double Trouble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon